" Sigurado kabang hindi ka sasama saamin Mama?" Tanong ko sakaniya habang naghahanda kami ni Sabrina. " Wala kang makakasama ngayong gabi, baka dikami makauwi " dagdag kopa." Matanda na ako para sa mga ganyan anak, kayo na lamang " sagot niya kaya't napabuntong hininga ako. " Osige para mapanatag ang loob mo, tatawagin ko sina Wilma dito ko na lamang sila papatulugin" dagdag pa niya.
" Sigurado ka ba? "
Tumango na lamang siya at nagtungo papunta sa kusina.
" Okay naba yang mga gamit mo? " tanong ko kay Sabrina ng mapansing nakatingin na ito sakaniyang telepono.
" Yes, I'm done " she answered.
Hindi ko na siya inabala pa at pinagpatuloy na lamang ang pag-aayos saaking gamit. Alas-kwatro na ng hapon, maya-maya lang ay darating na ang magsusundo saamin.
Pool party ang nakalagay sa invitation, mukhang mapaparami nanaman ako ng alak nito.
" Ma, aalis nakami " sigaw ko at binuhat ko na ang gamit namin ni Sabrina.
" Sandali lang anak " sigaw din ni Mama mula sa kusina at lumabas din siya roon, bitbit ang isang paper bag. " Pakibigay nalang ito kay Bernard ha? Pakisabi Happy Birthday "
" Ano to Ma? " tanong ko kay Mama dahil may naamoy akong ulam mula rito.
" Yung paborito niyang Beef steak " sagot niya at tumango na lamang ako.
" Mag-enjoy kayo roon ha " saad ni Mama nang makasakay na kami sa sasakyan.
Tahimik lamang ang biyahe, gaganapin kasi ang party sa isang bahay nila Bernard sa bayan. Mas malaki iyon kumpara sa bahay na tinitirhan nila sakanilang Resort.
" Nilalamig ako " wika ni Sabrina habang nakatingin saakin.
" Ako din eh " tugon ko at naisipan kong akbayan siya para maibsan ng kaunti ang nararamdaman niyang lamig. " Ayos ba? " tanong ko.
" Hmm, ang bango mo " she said while staring at me, hindi ko mapigilang matawa ng mas lalo niyang isiksik ang sarili saakin habang ang ulo niya at nakapatong saaking dibdib.
Sino bang hindi lalamigin sa suot namin ngayon? Nakasuot lamang ako ng black and white sando at shorts na maikli. Habang siya naman ay Off-shoulder at kita pa ang kaniyang pusod at maikling maong shorts.
Naramdaman kong ibinaon pa niya ang kaniyang mukha saaking dibdib at ipinalupot ang kaniyang isang kamay saaking bewang.
" Why you're so clingy today huh? " pang-aasar ko sakaniya.
" I love your smell, nakakaadik " sagot niya at tumawa pa ito ng mahina.
Hinayaan kona lamang siya sa ganoong pwesto, muling namayani ang katahimikan sa loob ng sasakyan.
Magandang hapon mga kaibigan! Nais naming ipaalam na patuloy paring pinaghahanap ang anak na babae ni Mayor Gabrielle Atienza ng Imus Cavite, Mahigit dalawang buwan ng nawawala si Ms. Sabrina Kyril Atienza na pinaniniwalaang namamalagi ngayon sa Palawan.
Dinig ko nang i-open ng driver ang radyo ng sasakyan. Hindi ko alam ang nararamdaman ko sa pagkakataong ito, hanggang ngayon nakokonsensya padin ako.
" Sab hinahanap kana sainyo " bulong ko sakaniya dahil hindi ito maaaring marinig ng driver.
" No, I'll stay here " she answered and squeezed my hand.
BINABASA MO ANG
Underneath the Same Sky
RomanceUnderneath the Same Sky, Standing the Same Ground, Breathing the Same Air... Two heart's but different feelings " Why we can easily fall for someone? " Dalawang tao ang pagtatagpuin ng landas, magkaibang lugar na pinagmulan, magkaiba ng kultura at p...