" Matthew " pagtawag nito kaya't lumingon ako dahil kilala ko kung kaninong boses iyon...
Cristel...
" Can I talk to you? " tanong niya at isinara na ang pintuan.
Nanatili akong nakatitig sakaniya, nagkalat ang pasa sakaniyang braso at pumutok ang gilid ng labi kaniyang labi.
Sa pagkakaalam ko ay hindi naman naging grabe ang sakitan nila ni Sabrina, paano ganito karami ang pasa at galos niya?
" What do you want? " I asked, she grabbed the chair and place it beside the hospital bed.
" I'm sorry Matthew, hindi ko alam na aabot sa ganito " pagsisimula niya, halata sa kaniyang mata ang sinseridad ngunit nanaig saaking puso ang sama ng loob.
" Hindi mo alam? Ano pabang aasahan mo sakaniya Cristel? Diba't alam mo ang nangyari noon? " sunod-sunod kong tanong na naging dahilan para mapayuko siya at nanatiling tahimik.
" Anong rason at nakipagkasundo ka sa lalaking yon? " tanong kong muli sakaniya kaya't nag-angat ito ng tingin saakin.
" Isn't obvious? Nagseselos ako! Kung hindi sana dumating yang si Sabrina edi sana masaya tayo ngayon " she answered. Hindi ako makapaniwalang ganoon ang isasagot niya. Ilang taon na ang lumipas, bakit nagkakaganito parin siya?
" Selos? Matagal na tayong tapos Cristel, You left remember? " mahinahon kong tugon kaya't nag-iwas siya ng tingin.
" Tapos? Buong akala ko hihintayin mo ako Ha Ha Ha " mahinang usal niya at sinundan ito ng sarkastikong tawa.
" Maghihintay? Para saan? Para sa wala? Umalis ng hindi man lang nagbibigay ng assurance kung babalik ka " natatawang tugon ko habang nakatingin sa bintana ng aking kwarto.
" Huwag ng halungkatin ang nakaraan, sabihin mo sakin. Ikaw ba ang may plano nito? "
" O-oo, pero hindi ganoon ang pinag-usapan namin! Ang sabi ko ay tatakutin lang namin kayong dalawa " sagot niya kaya't hindi ko mapigilang matawa.
" Andaming nagbago sayo HAHA, hindi ko inakalang makakaya mong gawin yon... Alam mo bang pwede kayong makulong? " sa sinabi kong iyon ay agad siyang tumingin saakin, bakas sakaniyang mukha ang gulat at takot.
" Yoon nga ang d-dahilan ng ipinunta ko rito, patawarin mona ako Matthew. Hindi ko naman talaga alam na aabot sa ganito " pagmamakaawa niya, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.
" Seryoso ka? Halos mamatay ako Cristel! Mabuti nalang at hindi marunong yung mga sanggano " giit ko.
" Matthew please, I'm really sorry... kapag nakulong ako mawawala narin lahat ng pinaghirapan ko " tugon niya at hindi ko mapigilang matawa.
" Noong pinagpaplanuhan niyo yan, naisip mo ba lahat yan? Kung hindi ko kayo sasampahan ng kaso, paano kami makakasigurong hindi niyo na uulitin yon?!" Sa mga tinuran ko ay bakas ang pagpipigil ng inis.
" Aalis ako ng bansa, magpapakalayo-layo naako... hindi kona kayo gagambalain pa. Kaya sana mapatawad mo na ako " pagkatapos niyang sabihin iyon ay lumuhod siya at hinawakan ang aking kamay.
Umiiyak na siya ngayon...
" Satingin mo ba kung si Denver lang ang kakasuhan ko ay hindi ka niya idadawit? Atsaka saan mo galing yang mga pasang yan? Siya ba ang may gawa ha?" Sunod sunod kong tanong at mabilis siyang tumingin saakin habang pinupunasan ang luha sa pisngi.
BINABASA MO ANG
Underneath the Same Sky
RomanceUnderneath the Same Sky, Standing the Same Ground, Breathing the Same Air... Two heart's but different feelings " Why we can easily fall for someone? " Dalawang tao ang pagtatagpuin ng landas, magkaibang lugar na pinagmulan, magkaiba ng kultura at p...
