" Candidate number 20, be ready ikaw na ang susunod " dinig kong pagtawag saakin ng pageant organizer, nasa loob kami ngayon ng hotel kung saan gaganapin ang aming pictorial para sa pageant.
Naka-upo ako ngayon sa aking upuan habang inaayusan ni Sabrina ang aking mukha, siya na ang nagboluntaryo para sa pagme-make up saakin dahil maalam naman daw ito sa mga ganito.
Suot ko ngayon ang isang magarbong barong tagalog para sa formal shots, buti na lamang ay na sama ang isang barong tagalog sa mga dala ni Rasseru kahapon dahil kung hindi ay wala akong maisusuot.
Agad tinapos ni Sabrina ang pag-aayos saaking mukha ngunit sinipat niya muna ito ng maigi kung tama lang ba ang pagkakalagay nito.
" Ayan! Ang gwapo mo lalong tignan! " usal niya at pumalakpak pa ito na parang bata.
" Hindi naman ba makapal? " Tanong ko sakaniya at tumango naman ito, sinabi ko kasi kanina sakaniya na ayaw ko ng makapal at mabigat sa mukha. Gusto ko ay parang natural lang para kitang kita parin ang mga detalye ng aking pagmumukha.
" Salamat Sab " wika ko at nagbitiw ng isang matamis na ngiti. " Punta na ako doon" pagpapaalam ko, akmang tatalikod naako ay bigla niyang hinawakan ang aking pulsuhan.
" Sandali" usal niya at lumapit ito saakin, hindi ko inaasahan ang paglapit ng kaniyang mukha papunta sa aking pisngi at ginawaran niya ako ng isang halik na naging dahilan kung bakit tila may kung anong kuryente ang dumaloy saaking katawan.
" Para saan iyon Sab? " Tanong ko habang nakatitig ako sakaniyang mata.
" Good luck kiss, para hindi ka kabahan " sagot niya at napangiti naman ako.
Habang kinukuhanan ako ng litrato ay nasa likod siya ng photographer para panoorin ako.
" Okay, Last shot " saad ng photographer at nagpose naman ako na parang may tinitignan sa malayo. Pagkatapos akong kuhanan ay nagsilapit muna kaming lahat sa Pageant Organizer.
" Candidates, huwag niyo munang huhubarin ang mga suot niyo dahil darating ang dalawang taong magiging host ng pageant. Kailangang makuhanan lahat kayo ng litrato, okay? " Pag-aanunsyo ng pageant organizer at tumango na lamang ako, sabay kaming dalawa ni Sabrina na bumalik sa dressing room para magpahinga muna saglit.
" Gwapo mo kanina ah, galing ng mga posing halatang pinaghandaan " pangbobola niya saakin kaya't napangisi ako.
" Na-inlove kaba? " Pang-aasar korin sakaniya kaya't muntik niyang maibuga saakin ang iniinom niyang tubig.
" Nag-aadik kaba? Bat ako mai-inlove? " Balik niyang tanong saakin kaya't nakaramdam ako ng kaunting hiya, Oo nga naman bakit naman siya magkakagusto saakin? Eh sa itsura niya tiyak na isang manileño rin ang magugustuhan niya at syempre mayaman.
Habang nasa gitna ako ng pag-iisip ay narinig ko ang pagbukas ng pintuan, Hindi ako nag-abalang lingunin iyon dahil ramdam ko ang mga bawat yapak nito na papunta sa direksyon namin ni Sabrina.
" Hi Miss, what are you doing here? " Rinig kong tanong ng isang pamilyar na boses kaya't agad akong lumingon sa gawi nito.
At Hindi nga ako nagkamali ng hula kung Sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon... Si Denver, Kasali din siya sa pageant na ito, siya si Candidate number 5. Iniilagan siya ng ibang mga contestant dahil sa kaniyang ugali at estado sa buhay. Kaya't hindi na ako magtataka kung may mangyari mang kaguluhan sa mismong pageant dahil likas na sakaniya ang pandaraya.

BINABASA MO ANG
Underneath the Same Sky
RomanceUnderneath the Same Sky, Standing the Same Ground, Breathing the Same Air... Two heart's but different feelings " Why we can easily fall for someone? " Dalawang tao ang pagtatagpuin ng landas, magkaibang lugar na pinagmulan, magkaiba ng kultura at p...