Chapter 2

36 7 60
                                        

Naalimpungatan ako sa pagtulog dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko, ramdam ko ang pananakit ng ulo ko. Parang nabibiyak na ewan basta sobrang sakit tangina.

" Ano bang nangyari kagabi? " tanong ko sa aking sarili atsaka ako bumangon sa higaan. Kinuha ko ang aking telepono at tinignan kung anong oras na.

Bigla akong bumalik saaking ulirat ng malaman kong mag aalas dose napala. Dali-dali akong lumabas saaking kwarto atsaka hinanap si Mama.

" Ma? Ma nasaan ka? " paulit ulit kong usal ngunit ni anino niya ay hindi ko nakita dito sa loob ng bahay. Nang mapagod ako sa paghahanap ay agad akong pumunta sa lamesa at nakita ko ang ulam na niluto ni Mama.

Naalala kong linggo nga pala ngayon, panigurado ay nagsimba ito kanina atsaka dumiretyo na sa palengke. Tuwing linggo kasi ay sarado ang aming karenderya para makapagpahinga naman si Mama sa pagluluto.

Pagkatapos kong kumain ay agad akong nagsipilyo at naligo para may mahabol paakong pasahero.

Pagkalabas ko ng bahay ay agad kong nakita si Daboy sa dalampasigan kaya nilapitan ko ito agad.

" Daboy! " pagtawag ko sakanya at agad naman itong lumingon. " Oh pre, ikaw pala! Sa kalasingan mo tinanghali ka ng gising HAHAHA " usal niya at hinampas paako nito sa braso.

" Wala kaatang pasahero? " tanong ko sakanya.

" Wala pre, pinacheck up namin ni kumare mo si Rome kanina atsaka nagsimba narin " sagot niya atsaka naman ito tumingin sa malayo.

" Kumusta naman daw ang inaanak ko? " tanong ko ulit sakanya. Balak ko sanang sumama kanina kung hindi lang talaga ako tinanghali ng gising.

" Ayun pre, normal na lagnat lang daw. Oo nga pala pre, salamat talaga dun sa perang binigay mo ha malaking tulong saamin yun " sagot at pagpapasalamat niya kaya't tumango naman ako at nginitian siya.

" Nako ano paba't kapatid na ang turing ko sayo wala yun HAHAHA " usal ko atsaka naman namin ginawa ang friendship moves na binuo namin noong mga bata pa kami.

Ilang minuto pakaming nakatambay dito sa dalampasigan ng biglang nag vibrate ang telepono ni Daboy.

" Oh pre, nag-text ang mga gwardiya doon may turista daw na nangangailangan ng tour guide ano tara? " usal niya atsaka naman ako tumango at sabay nakaming naglakad papunta doon.

Pagkarating namin doon ay nakita namin ang mga turista, may nakapila, may bagong dating pa lamang.

Agad naming tinanong sa gwardiya kung sino na ang mga nakakuha ng gate pass.

" Ayun yung pitong katao, magbabarkada yun may gate pass na, atsaka yung nag-iisang magandang babae na may dalang maleta meron nadin yun " sagot niya atsaka namin ito tinanguan.

" Oy pre, sakin nayung magbabarkada ah? Sayo nayung babae, alam monaman na baka maghimutok si misis kapag ako nag tour diyan " pakiusap niya kaya't napatango nalang ako kahit wala pa ako saaking sarili.

Agad na pinuntahan ni Daboy ang magbabarkada para makipag kwentahan sa mga ito. Ako naman ay dahan dahan kong nilapitan ang babae at umupo sa tabi niya.

Napansin kong malungkot ang mga mata nito habang nakatingin sa dagat, naisipan kong itaas ang aking isang kamay at pinagalaw ito sakanyang harapan ngunit wala akong natanggap na reaksyon, ni hindi man nga ako nilingon.

" Miss? Akonga pala yung tour guide " usal  ko atsaka ko siya sinubukang tapikin sa balikat. Muntik akong mahulog saaking kinauupuan ng bigla siyang tumayo ng dahil sa pagkagulat.

Underneath the Same Sky Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon