Makalipas ang tatlong araw...
Nasa bayan kami ngayon ni Sabrina, at naglalakad kami papunta sa isang sikat na tindahan ng mga murang damit. Ukay-ukay ika nga ng iba.
Sa nagdaang tatlong araw ay wala namang masyadong kaganapan, bukod sa pagpunta ko sa munisipyo para sumali sa pageant. Napaka-swerte ko daw dahil isang slot nalang ang natitira at ako ang mapalad na nakakuha ng slot na iyon.
Dalawampu kaming maglalaban para sa Korona at titulo, lahat sila ay hindi ko pa kikilala. Sabi ng pageant organizer, gaganapin ang pictorial bukas dito sa bayan at sa ilang isla.
Pagdating namin sa Ukayan ay agad ko siyang inalalayan papasok dito.
" Good morning Ma'am at Sir, welcome po " pagbati ni nanay Sita nasiyang kahera doon. Tinanguan at nginitian namin siya bilang tugon atsaka naglakad papunta sa men's section.
" Napakarami palang damit dito, magaganda pero abot kaya " namamanghang usal niya at tumango-tango naman ako.
" Dito kami laging namimili ni Mama ng mga damit namin, para makatipid at makamura " wika ko habang naglalakad kami.
" So anong sabi ng pageant organizers? Ilang beses ba kayong magpapalit? " tanong niya at umupo muna kami saglit para pag-isipan ang mga bibilhin.
" Heto yung flow ng pageant, yan yung pagkakasunod-sunod ng mga Category " sagot ko atsaka ko binunot ang isang papel saaking jacket na suot, ofcourse dito rin nabili. Pagkaabot ko sakaniya ng papel ay agad niya itong binasa.
Official T-shirt (black)
Denim Category
Swim Wear Category
Costume Category
Formal Wear Category
Iyan ang nilalaman ng papel na inabot ko sakaniya.
" Marami-rami din pala, meron kabang mabibilhan ng coat dito? Or magrerentahan? " tanong niya at umiling-iling ako.
" Magmi-meet kami mamaya ng college friend ko, papahiramin daw niya ako ng coat " sagot ko at tumango naman ito.
" So, shall we start? " pag-aaya nito tumayo na kami para maghanap ng mga damit.
" Para sa official t-shirt, syempre kailangan bago iyon dahil tatakan pa iyon ng logo " usal niya at sinubukang abutin ang color black na t-shirt sa istante, nakaplastic paito at halatang bago. Tutulungan kona sana siyang abutin iyon ngunit naistatwa ako sa kinatatayuan ko, nakadapo ang mata ko ngayon sa kaniyang likuran, nakalitaw ngayon ang kaniyang itim na tube dahil sa suot niyang crop-top.
" Matt, patulong naman oh " wika niya kaya't bumalik ako saaking ulirat at Dali-daling inabot iyon.
Hindi na ako nagulat na alam niya ang size ng damit ko dahil halata naman ito sa pangangatawan na taglay ko.
" Tama ba ang size? " tanong niya at tumango naman ako, ilalagay kona sana sa basket ang t-shirt na yon nang biglang hawakan niya ang kamay ko para pigilan.
" Sukatin mo muna " Saad niya at tinawag ang isang helper.
" Pwede bang sukatin ang damit na ito? " tanong niya dito at tinignan naman ng helper ang item.
" Okay lang po ma'am at sir, " malamya niyang sagot habang nakatitig saakin kaya't binigyan ko na lamang siya ng tipid na ngiti.
" Available ba ang fitting room ngayon? " tanong ko sakaniya at saglit naman niyang tinanaw ang kinaroroonan nito.
BINABASA MO ANG
Underneath the Same Sky
RomanceUnderneath the Same Sky, Standing the Same Ground, Breathing the Same Air... Two heart's but different feelings " Why we can easily fall for someone? " Dalawang tao ang pagtatagpuin ng landas, magkaibang lugar na pinagmulan, magkaiba ng kultura at p...