Chapter 14

22 2 2
                                    

It's a long tiring day, umikot lang ang araw namin ngayon sa pagtatrabaho. Napakaraming customer ang dumayo sa karinderya ni Mama kaya't tumulong kami ni Sabrina sa mga gawain.

Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ng katawan ko ngayon, masakit ang braso at mga binti ko. Sumabay pa ang pagkirot ng aking ulo.

Gayunpaman hindi parin nawawala sa isip ko na pagsilbihan at gawin ang mga bagay na makakapagpatunay ng aking nararamdaman kay Sabrina.

Sa totoo nga niyan ay hindi ko mapigilang kiligin dahil napaka clingy niya saakin, parang komportable na siyang kasama niya ako.

" Anong naiisip mo at napapangiti ka diyan aber?" Tanong niya saakin kaya't agad ko itong nilingon. Ang liwanag na nagmumula sa buwan ang nagsisilbing ilaw para maaninag namin ang isa' t isa.

" Hindi ano kundi sino "

" So sino ang naiisip mo kung ganoon? "

" Ikaw " sagot ko at kumawala ang matamis na ngiti sa aking labi.

Hindi ko alam pero masasabi kong ito ang pinakamagandang regalong natanggap ko.

" Puro ka kalokohan, magseryoso kanga " natatawang wika ni Sabrina habang ang kamay niya ay pinaglalaruan ang buhangin.

" Seryoso naman ako ah, ikaw naman talaga yung nasa isip ko " tugon ko at lumipat ang tingin niya saakin.

Muling nagtagpo ang aming mga mata, wala ni isa saamin ang naglakas ng loob na magsalita. Tanging ang paghampas ng alon at huni ng mangilan-ngilang ibon ang bumabasag sa katahimikan.

Lumipat ang aking paningin sa kabuuan ng mukha niya, mula sa katamtamang kapal ng kaniyang kilay, mahahabang pilikmata, matangos na ilong, at panghuli sa kaniyang manipis at mapulang labi.

I gulped, hindi ko alam kung bakit tila inaakit ako ng labi niya. Anong nangyayari sa katawan ko?

Tila may buhay ang aking isang kamay at kusang dumapo ito sa pisngi ni Sabrina na ngayo'y tila isang istatwa. Unti unti kong inilapit ang aking mukha papunta sakaniya habang nakatitig parin sakaniyang mata.

Hindi ko na maipaliwanag ang ritmo ng pagtibok ng aking puso, tila nagwawala na ito at nasisiraan na ng bait. Nagdikitan na ang tuktok ng aming ilong, ramdam ko ang tensyong namumuo saaming dalawa dahil alam kong anumang saglit ay maglalapat na ang aming labi.

" Ah eh ahm ano, tara u-uwi na tayo? M-malalim na rin ang g-gabi " nauutal niyang sabi at inalayo ang kaniyang mukha.

Nabitin man pero I respect that she's not yet ready, may tamang pagkakataon para rito.

" Okay let's go " I answered and help her to stand.

Habang naglalakad kami pauwi ay wala ni isang nagsalita saamin, siguro ay dahil sa awkwardness na nararamdaman namin ngayon.

Malayo layo pa ang lalakarin namin dahil nasa dulong part kami ng resort, iginala ko ang aking paningin sa paligid dahil may nararamdaman akong kakaiba.

And then suddenly, I saw a man hiding at the top of the tree.

" Make it faster, we need to run " bulong ko kay Sabrina at halata sa mukha nito ang pagkagulat.

" Why?! What's happening? "

" Just listen to me okay? We're not fucking safe here shit " sagot ko at hindi ko na siya hinintay pang makasagot dahil agad ko itong hinila para tumakbo.

We need to escape this shit, hindi maganda ang kutob ko.

Habang tumatakbo kami ay napansin kong isa-isang nagsisilabasan ang mga taong nakatago sa puno, akala ko isa lang iyon kanina? Putangina.

Underneath the Same Sky Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon