" Kumusta pakiramdam mo? Kinakabahan kaba? " magkakasunod na tanong saakin ni Sabrina, mukhang halata saaking mukha ang kaba." H-hindi ko ata kaya, mag back-out nalang kaya ako habang may oras pa? " wika ko at sabay silang napailing ni Daboy. Nasa loob kami ngayon ng dressing room, si Sabrina ang nag-aayos saaking mukha habang si Daboy naman ang tumutulong saakin sa pagbibihis.
" Nahihibang kana ba? Ito nayung araw na pinaghandaan mo, nating lahat! Lakasan mo ang loob mo " paninermon saakin ni Daboy habang umiinom ng buko juice.
" He has a point, chill kalang dapat. Tandaan mo nandito kami para suportahan ka, huwag mong I-pressure ang sarili mo " pagsang-ayon naman ni Sabrina at pinagpatuloy na niya ang paglalagay ng konting blush on saaking mukha.
Naririnig ko mula rito ang hiyawan ng mga Tao habang hinihintay ang pagsisimula ng pageant, naroroon sa labas si Rasseru kasama si Cristel para aliwin muna panandalian ang mga manonood.
" Tandaan mo ang sinabi ko sayo, huwag kakalimutang ngumiti ha " dinig kong pagpapaalala ni Sabrina saakin atsaka na siya tumayo sakaniyang inuupuan.
Konting minuto na lamang at masisimula na ang pageant, nilibot ko ang aking Mata sa paligid. Lahat ng kalahok ay halatang pinaghandaan ang araw na ito, kitang kita sa kanilang mga postura at galaw.
Sa gitna ng aking pagmamasid ay nahagip ng aking dalawang mata ang papalapit na si Denver, bitbit ang mapanlinlang na ngiti.
" Mukhang magiging maganda ang laban ngayong gabi " usal niya at tila kinikilatis ang aking buong katawan. " Akala ko pa naman magiging boring ang laban na ito, buti at may ibubuga ka naman pala "
" Well, I was born to fight " hindi ko inaasahang iyon ang masasambit ko dahil sa totoo lamang ay taliwas ito sa nararamdaman ko.
" Okay then, Goodluck pero alam naman siguro natin kung sino ang mananalo diba?" May pagkasarkastikong wika niya at tumalikod naito ngunit bago ito maglakad paalis ay mayroon pa siyang sinabi.
" Syempre ako iyon "
Ilang minuto pa ang lumipas at nagsimula na event, nakapila kaming naglakad sa entablado papunta saaming kaniya-kaniyang pwesto.
" Good Evening people of Palawan! I am Rasseru Nagasaki " masiglang pagpapakilala ni Rassy sa harap ng maraming tao. " And I am your sexy, sweet and charming, Cristel Villanueva "
" And we are the lovable host for tonight " sabay nilang sigaw at nagsimula ng maghiyawan ang mga tao at iwinawagayway ang kani-kanilang banner.
Hinanap ng dalawang mata ko ang kinaroroonan nina Sabrina, Daboy, Wilma, Rome, at Percy. Nandoon sila sa gitnang parte kasama ang mga kasamahan ko sa Resort. May dala dala silang malaking banner na nakalagay ang aking litrato.
Si Mama naman ay hindi kona pinasama kahit nagpupumilit ito, dahil tiyak akong mapapagod lamang siya at hindi kakayanin ang ganito karaming tao.
" The wait is over! Handa na ba kayong masaksihan ang inihandang production number ng ating mga nag-gagwapuhang kandidato? " masiglang tanong ni Rasseru sa mga manonood. " I'm sure handang handa na sila partner kanina pa nga sila naghihiyawan diyan eh " masayang tugon naman ni Cristel.
" Okay wag nanating patagalin pa, please welcome the 20 candidates! " sabay nilang sigaw at nag-umpisa ng tumugtog ang kantang sasayawin namin.
'Perfect strangers by Jonas Blue ft. JP Cooper'
Marahan naming inumpisahan ang sayaw, itinuon ko ang aking atensyon sa bawat pag-galaw ng aking katawan. Todo ingat ako para hindi magkamali at makabunggo ng iba kagaya sa mga nakaraang practice namin. Nang umakyat na sa masiglang step ang sayaw ay unti-unting nawala ang aking kaba, napalitan na ito ng saya at tila ine-enjoy nalang ng aking katawan ang pag sayaw, kasama na rito ang marahang pag-giling na naging dahilan para maghiyawan ang mga kababaihan.

BINABASA MO ANG
Underneath the Same Sky
RomantikUnderneath the Same Sky, Standing the Same Ground, Breathing the Same Air... Two heart's but different feelings " Why we can easily fall for someone? " Dalawang tao ang pagtatagpuin ng landas, magkaibang lugar na pinagmulan, magkaiba ng kultura at p...