I opened my eyes, alas nuebe na ng umaga ngunit ramdam ko ang lamig ng paligid. Pasuray-suray kong tinungo ang bintana para tignan ang kalagayan sa labas.
Malakas ang hangin kasabay ang panaka nakang pag-ulan, ngayong araw ang napag-usapan naming pagpunta sa simbahan at mall ngunit mukhang hindi ito matutuloy.
Bumaling ang aking paningin sa higaan, payapa paring natutulog si Percy. Lumapit ako sakaniya at kinumutan ng mabuti, napagpasyahan kong hindi muna siya gisingin dahil alam kong napagod din siya kagabi.
' nagugutom na ako' bulong ko saaking sarili kaya't lumabas na ako ng kwarto, naabutan ko si Mama na nakabihis at may inaayos sa kaniyang bag.
" Oh gising kana pala anak, congratulations! Masaya ako para ayo " wika niya at lumapit ito saakin para yumakap.
" Salamat Ma, " wala sa sarili akong umupo sa hapag habang kinukusot ang aking mata.
" May lakad ka Ma? "
" Oo nak, nanganak kasi ang anak ng Tita Clarise mo. Natatandaan mo yung batang babaeng pinaiyak mo noon? " sagot niya at muli nanamang bumalik saaking alaala yung panahong tinapunan ko ng spaghetti sa mukha ang anak ni Tita Clarise.
' Deserve niya yon! Inagaw niya yung cake na kinakain ko'
" Kailangan pabang tumuloy kayo Ma? Napaka delikadong lumabas oh "
" Wag kang mag-alala nak, susunduin naman ako ni Tito Badong mo "
Hindi na lamang ako umimik, itinuon ko ang aking atensyon sa ulam na nakahapag ngayon sa lamesa. Linagang Baboy, saktong sakto sa malamig na klima ngayong araw.
" Aalis na ako nak, mamayang gabi pagkauwi ko doon tayo magse-celebrate. Ipagluluto kita ng paborito mo ha " wika ni Mama at agad naman akong lumapit sakaniya para halikan siya sa pisngi.
" Ingat ka po Ma, I love you "
Pagkaalis ni Mama ay bumalik ako saaking kwarto, nakahilata parin sa higaan si Percy na tila wala ng ganang bumangon.
' sabagay masarap naman talagang matulog lalo na't malamig ang panahon'
" Hoy tol gising na" usal ko at hinila ko ang kaniyang paa ngunit hindi man lang ito natinag. Sunod kong hinila ang dalawang kamay niya para mapaupo ito.
" Gising na tol, umaga na " muli kong usal at napilitan na siyang imulat ang kaniyang mata.
" Kuya Matthew naman eh, ang aga pa " pagrereklamo niya.
" Anong ang aga? Tumayo kana diyan kakain na tayo "
Lumabas akong muli at dumiretso sa kwarto ni Sabrina, kakatok na sana ako nang biglang bumukas ang pintuan.
" Ay anak ka ng kigwa! " sigaw niya dahil sa pagkakagulat.
" Good morning Ms. Beautiful! " pang-aasar ko sakaniya. Naka pusod ang kaniyang buhok ngunit hindi maayos, nagkalat tuloy ito sa kaniyang mukha.
" Ms. Beautiful ka diyan, tigilan mo ako meron ako ngayon " pagbabanta niya saakin at naglakad ito papuntang kusina para maghilamos.
Nakaupo nakaming tatlo sa harap ng hapagkainan, sinimulan nanaming kumain habang mainit-init pa ang sabaw.
" Nasaan si Tita?" Tanong saakin ni Sabrina.
" Pumunta kina Tita Clarise, nanganak kasi yung anak niya " sagot ko at tumango na lamang siya bago ipagpatuloy ang pagkain.

BINABASA MO ANG
Underneath the Same Sky
RomanceUnderneath the Same Sky, Standing the Same Ground, Breathing the Same Air... Two heart's but different feelings " Why we can easily fall for someone? " Dalawang tao ang pagtatagpuin ng landas, magkaibang lugar na pinagmulan, magkaiba ng kultura at p...