Chapter 13

17 2 0
                                    


Kasalukuyan akong nakadungaw sa bintana ngayon, pinagmamasdan ang magandang sikat ng araw. Dalawang araw narin ang lumipas simula noong magtapat ako kay Sabrina, kagaya ng ipinangako ko sakaniya ay ginagawa ko na ang lahat para mapatunayan kong puro at dalisay ang pagmamahal ko sakaniya.

Ngayon ko lang naramdaman ulit ang pakiramdam na ito!

Tiyak akong sa mga oras na ito ay tulog pa siya kahit alas-otso na ng umaga.

" Hindi ba' t sinabi ko na sayong tigilan mo na kami ng anak ko?! " nagulantang ang diwa ko nang marinig ko ang malakas na boses ni Mama na nagmumula sa sala.

May kaaway ba siya?

Naglakad ako palapit sa pintuan at binuksan iyon ng kaunti, sakto lang para maaninag ko ang ginagawa ni mama at marinig ang kaniyang mga sinasabi.

Nakatayo siya sa bandang sofa, may kausap siya sa telepono at bakas sa mukha niya ang pagkairita.

" Wala akong pake sa mana! Gusto namin ng tahimik na buhay kaya wag mo na kaming guluhin! " sigaw ulit ni Mama sa kaniyang kausap.

" Bingi kaba o sadiyang dika lang talaga makaintindi? Isa kang putangina! " nagulat ako ng marinig ko siyang magmura, halatang may pinagmanahan ako hays.

" HINDI! HINDI MO SIYA MAKUKUHA SA A--- " hindi na niya natuloy ang kaniyang sasabihin ng bigla akong mawalan ng balanse at bumukas ang aking pintuan.

Mabilis niyang itinago ang hawak na telepono at lumapit saakin.

" Kanina kapa ba gising anak? " tanong niya saakin at tumango lamang ako. Nakita kong bumuntong hininga siya at hinila ako papunta sa sala.

" A-ano ang mga narinig mo? " tanong niya saakin.

" Doon sa sinabi mong tigilan na niya tayo, yun yung una kong narinig " sagot ko sakaniya at napahimas siya sakaniyang sintido.

" Sino ba yung kausap mo Ma? Bakit galit na galit ka? "

" Wala anak, k-kamag-anak lang natin sa Maynila " sagot niya ngunit nag-iwas ito ng tingin saakin.

Parang may mali...

" Ano naman yung narinig kong mana? " tanong kong muli sakaniya.

" Ah eh ano wala, wag monang alalahanin yon. Ayaw ko lang makigulo sa mana "

" Sigurado kaba ma? Eh bakit kanina may narinig akong hindi niya makukuha ?" Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na mag-usisa. Nararamdaman kong may nangyayaring hindi maganda na hindi ko alam.

" Eh bakit andami mong tanong ha bata ka? Diba't sinabi ko sayo noon na wag kang makikinig sa usapan ng matatanda? " pagalit niyang tanong.

Luh, bakit nabaliktad? Si Mama talaga oh.

" Mas mabuti pa at ipasyal mo ulit si Sabrina sa bayan baka naiinip na siya dito!"  Wika niya at naglakad ito papunta sa kwarto.

Underneath the Same Sky Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon