Nasa labas ako ngayon ng bahay habang kinakalikot ko ang aking motor, tinitignan ko ang bawat parte nito kung nasa maayos bang kundisyon. Alas otso na ng umaga, tirik na ang araw at nagsisilabasan ng muli ang mga turista sa kani-kanilang hotel na tinutuluyan, habang ang iba naman ay kakarating lamang.
Habang nililibot ko ang aking dalawang mata ay nakita ko si Daboy na papalapit sa kinaroroonan ko.
" Good morning pre, kumusta? Saan ang lakad? " Pagbati at pang-uusisa niya saakin.
" Magandang araw din, heto dadalin ko si Sabrina sa bahay ampunan. Ipapakilala ko siya sa mga bata " sagot ko kaya't napatango naman ito.
" Edi hindi ka magtu-tour ng mga turista ngayon? Sayang ang kita pre " usal niya at sinimulan narin niyang sipatin ang aking motor.
" Anong sayang? Parte parin ng trabaho to hoy, may sweldo parin haha " sagot ko at bigla naman itong tumawa.
' baliw talaga ang loko ' bulong ko sa sarili ko at sinabayan kopa ng walang humpay na pag-iling, pagkatapos niyang tumawa ay tumayo ito at hinawakan ang balikat ko.
" Talaga lang huh, sige na ingat kayo ah mag ayos-ayos ka sa pagmamaneho mo gago nabalitaan ko yung ginawa mong katarantaduhan kahapon " pag-papaalala niya at tinanguan konaman ito, nang tumalikod nasiya at naglakad paalis ay ang saktong paglabas naman ni Sabrina sa bahay at kasunod niya si Mama.
Suot niya ang kaniyang kulay dilaw na off shoulder na mayroong diseniyong bulaklak, habang suot naman niya ang isang fitted ripped jeans at white sneakers.
' Damn! She look so gorgeous bro ' bulong ko saaking sarili at natagpuan kona naman ang sarili kong hinahangaan ang kagandahan niya.
" Laway mo lumalabas na " biglaang pagbibiro ni Mama at siya pa ang nagsara sa bibig ko habang si Sabrina naman ay pinipigilang matawa sa reaksyon ko.
" Ma naman eh, pauso mo " usal ko ngunit inirapan lamang ako nito.
" Saan naman kayo pupunta ngayon anak? " Tanong ni Mama saakin habang nagwawalis ito sa harapan ng aming bahay.
" Sa bayan lang ma, ipapasyal ko lang siya " sagot ko at ibinaling konaman ang tingin ko kay Sabrina. Suot na niya ngayon ang kaniyang sun glasses at pink cap na naging dahilan para matago ang kaniyang mukha.
" Tara na? " Pag-aaya ko sakaniya at tumango naman ito atsaka nagpaalam kay Mama. Kinuha ko ang dalawang helmet sa loob at tinanggal ko ang cap na suot niya upang maisuot ko sakaniya ang helmet at sunod naman ang akin.
Inalalayan ko siya pasakay sa motor ko at muli kong hinawakan ang kaniyang dalawang kamay atsaka ko ipinalupot ko saaking tiyan.
" Sa pangalawang pagkakataon sasabihin ko ulit ito sayo " usal ko atsaka ko pinaandar ang makina ng motor. " Ano iyon? " tanong niya saakin.
" Kumapit kang mabuti, huwag kang bibitaw saakin " sagot ko at mabagal ko munang pinatakbo ang motor dahil buhangin pa ang dinadaanan namin.
Pagdating namin sa main road ay doon ko binilisan ang pagpapatakbo, napakasarap sa katawan ang paghampas ng hangin saaking balat, ramdam ko ang mariin na pagkapit ni Sabrina sa katawan ko, ramdam na ramdam korin ang mabilis na tibok ng kaniyang puso.
Itinigil ko ang motor sa tapat ng mga food stalls dito sa bayan, may iba't ibang street foods dito na abot kaya at tiyak na mabubusog ka.
" Kain muna tayo? " Tanong ko sakaniya at tumango naman ito, agad kaming sumilong sa ilalim ng puno, napansin kong abala siya sa pagpupunas ng kaniyang pawis kaya't hinawakan ko ang pulsuhan nito at inagaw sakaniya ang hawak niyang panyo.

BINABASA MO ANG
Underneath the Same Sky
RomanceUnderneath the Same Sky, Standing the Same Ground, Breathing the Same Air... Two heart's but different feelings " Why we can easily fall for someone? " Dalawang tao ang pagtatagpuin ng landas, magkaibang lugar na pinagmulan, magkaiba ng kultura at p...