Chapter 16

24 0 0
                                    

The next days had been crazy. Ilang beses nang labas-pasok si mommy sa hospital dahil sa stress na natatamo niya mula kay daddy. She tired cutting her wrists when dad didn't get home. Wala akong magawa.. Wala akong magawa kundi umiyak at samahan siya na umiyak sa isang sulok.

Si daddy, pilit niyang pinapasok uli ang buhay sa aming dalawa. Madami siyang ginagawa para humingi ng sorry pero hindi tinatanggap ni mommy iyon, ayoko rin tanggapin. Masyado pang masakit.. Mahapdi pa iyong sugat..

May kumatok mula sa labas. Tinapik ko ang balikat ni mommy bago binuksan iyon. Akala ko kasambahay namin na nagdadala ng pagkain para kay mommy. Pero nang makita ko si Jax, napatalon ako kaunti.

"Hi. Is Tita okay?" Gumilid ako para makapasok siya. Sinara ko uli iyon at sumunod sa kaniya. Nilagay niya sa table iyong dala niya. Mga prutas at pagkain din.

"Okay naman. But still hurt.." Inayos ko iyong mga dinala niya. Hindi ko inaasahan na pupunta siya rito, ka text ko lang siya kahapon, nangangamusta at wala siyang sinabi na pupunta kaya medyo shocking na nasingit niya bumisita.

"They don't know, yet.. Right?" Tumango ako sa tanong niya. Hindi pa lumalabas sa lahat ng nangyari. Jax told me that even his parents, na business partners ng pamilya ko ay hindi alam. Maybe, no one wants to say and talk about it. Yet.

"Dad's been quite.. Maybe he did it in purpose.." Pansamantala muna akong lumabas para ilabas iyong dala niya. Pinabalat ko sa iba iyong prutas at nagdala ng plato. Nagugutom na rin ako, hindi ako kumakain unless kakain si mommy. Pero gutom na rin talaga ako.

Pagbalik ko sa kuwarto ay nakita kong may binabasa si Jax mula doon sa table kung saan may nakita akong folder. Pero hindi ko alam kung para saan iyon, dahil hindi ko naman pinapakealaman. Muna.

"Kumain ka na?" Hinila ko iyong isang lamesa at dalawang upuan. "Ang dami mong dala, kain muna tayo."

Lumapit siya sa akin at dala niya pa rin iyong folder. Labis ang pagtataka ko doon dahil bakit parang bigla siyang nabother doon? Ano bang meron? "Nakita ko iyong pulsuhan niya, ano bang nangyari?"

Kinuha niya sa akin iyong mga pagkain at siya na naglagay sa mga plato namin. Hindi naman niya kailangan gawin iyon pero hinayaan ko nalang. Habang naglalagay siya ay sinabi ko iyong dahilan. Na akala ni mommy ay pumunta siya sa kabit niya kaya hindi siya umuwi. Papaniwalaan ko sana pero tumawag iyong all around guard ng kumpanya namin. Telling me that my father slept there, siya lang. Wala ng ibang tao.

"Gusto ko sana sabihin iyon sa kaniya pero.." Kumagat ako sa pagkain.

"Pero ano?" Tanong niya. "Hindi naman mahirap magsabi ng totoo, Khloe.."

I nod. Alam ko. Galing pa sa kaniya. "I almost do but her mind's still in haywire. Hindi siya naniniwala kasi ang laging nasa isip niya.. kasama niya iyong babae.."

"Kilala niyo garod kung sino iyon? Did she recognize it when she caught tito?" Umiling ako kaunti.

"Too bad, we don't. Si daddy lang may kilala. Probably, she's from outside. Hindi naman daw employee namin.. She could've ask the guards, but she's afraid that the news will come out.."

"She can ask the guard, hindi naman siguro mag-iisip ng kung ano iyon if tita asked in a good and calm manner." Hindi nalang ako sumagot. Nagpatuloy nalang ako sa pagkain hanggang magtanong siya about kay Rey.

"Busy sa family niya. Bakit?"

"Wala. Akala ko kasi kasama mo siya dito." Muntikan pa akong masamid. Buti nalang inabutan niya ako ng tubig kaagad. Natawa pa nga siya, e.

"You know he can't! Sira ulo ka talaga.." Sabi ko nung nakabawi na ako. Pero siya tatawa-tawa pa rin.

"Sana sinabi mo na. You exceed the legal age now, Khloe. Ilang taon ka na ba? 21? You're a grown up woman now. Bakit kailangan pang magtago?" Seryoso niya biglang sabi.

(Magnus Haven #1) Fighting For His Name (COMPLETED)Where stories live. Discover now