Chapter 25

29 0 0
                                    

As soon as I saw the sign of where we are now, parang gusto ko nalang tumalon sa kotse at magsisisigaw sa tuwa. Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko, kanina ay pinapatay ako ng mga thoughts ko pero heto ako, ang laki ng ngiti habang hinihintay na makapark si Rey.

"Hey.. What's wrong?" Aniya nang mapansin na kanina ko pa nililibot ang tingin sa labas kahit nasa loob palang ako ng kotse. Ngumiti ako sa kaniya at bigla siyang hinigit sa yakap.

Hindi ko maintindihan ang saya sa loob ko pero sobrang saya ko dahil sa kung nasaan ako. Pinagdasal ko na sana lubayan muna ako ng iniisip ko at hayaan na magsaya ako. Kahit na kanina ko pang umaga pinagdarasal iyon, it has its own way to ruin my day.

"Bakit ba?" Natatawa niyang sabi sa akin. Pero hindi ko siya sinagot, as soon as he parked the car ay mabilis akong bumaba. Hindi ko na siya hinintay na pagbuksan ako at deretso ako kaagad sa sign. Tinandaan ko kung saan ang eksaktong lugar kung saan nagpicture iyong naalala ko at napangiti ng maluwag.

"Kanina lang tahimik ka.. Ngayon, you're smiling wider." Bigla siyang nagsalita sa likuran ko. Hinarap ko siya uli at hinagkan. Halos ilipat ko sa kaniya ang bigat ko dahil para akong nakaapak sa ulap. Sa saya. Sa pangarap ko. Sa akala ko hindi ko magagawa.

"Thank you for bringing me here.." Bulong ko sa kaniya. Hinigpitan niya ang yakap niya sa akin at bumulong sa tenga ko.

"But tell me first why are you acting this way. Galing ka na ba rito?" Tanong niya nang humiwalay ako.

Umiling ako at tumalon. "This is the place where my favorite vocalist from MakeUs got engaged! They are famous ten years ago!" Sabi ko at nilibot ko ang paningin.

Hindi pa rin ako makapaniwala na dadating ang panahon na makakapunta ako sa lugar kung saan inalok ni Franzis iyong asawa niya ng kasal dito. I am barely eleven that time, and all over the news, iyon ang nakikita ko. I love their songs, I love the band, I love their albums! I even bought their Reminisce album!

Too bad they are inactive now. Hindi sila disband kundi inactive due to they have families now. Nauna ikasal si Franzis na bokalista ng banda. Tapos sunod-sunod na silang kinasal. Their last album is Gladiolus. It is their very last album before announcing their drummer's wedding. Tapos college na ako, wala na kaming balita sa kanila.

It's a bittersweet moment for me because they are only the one I get obsessed noong panahon na iyon. Tapos hindi na sila tumutugtog dahil may anak na sila, siguro pinili nalang nila na mabuhay na walang exposure sa kung ano. And I respect that. Nakakalungkot lang na hindi na talaga sila tumutugtog.

"Then?" Natatawa niyang sabi sa akin.

"Hindi mo kasi ako ramdam! I'm so happy!" I asked him to take a picture of me. Pictures. Ayaw man niya kasi nakakahiya iyong ginagawa ko pero wala namang tao! At the end, hinayaan niya ako na gawin ang gusto ko.

Gusto ko doon sa taas, kung saan nagpropose si Franzis. It's really my dream to go here, I can go here, but my parent's won't let me. Hindi ko alam kung sino nagtulak sa kaniya na ipunta ako dito but it's okay for me, as long as he's with me..

Umakyat na kami at pumili kung saan kakain. The sky is turning orange now. Malapit na magtakip-silim. We ended in one of the restaurant na ang alam ko ay pinuntahan din nila Franzis! Pagkaupo palang, ang laki-laki pa rin ng ngiti ko.

"Akala ko magagalit ka na dito kita dinala.." Aniya sabay labas ng phone niya. Nilapag niya rin iyong cake na binili niya para sa akin.

"I almost do.. but you bring me here. Thank you.." Sabi ko at kinuhanan ko siya ng litrato. I keep pressing the camera button and he kept blocking it with his big hand. Pinili ko iyong nakakatawang kuha ko saka pinost sa Facebook and Instagram story. Akala niya siya lang magpopost ng ganoon?

(Magnus Haven #1) Fighting For His Name (COMPLETED)Where stories live. Discover now