Chapter 38

17 0 0
                                    

Tagaktak na ang pawis ko pagkalabas ng shop. I looked for him but he's already gone that quick! Tinignan ko ang kaliwa ko, wala. But on my right side, he was there! Wala akong nagawa kundi tumakbo uli!

He's doing walking-running and I can't catch up due to his big footsteps! "Rey!" Sigaw ko, trying to get his attention but he didn't looked back! I tried again but I failed.

I gathered my whole energy and ran as fast as I can. When I'm near at him, hinila ko ang damit niya. Which made him stop from his walk. "Ano ba?! Maestro, hindi ba puwede mag-usap tayo?!"

Parehang habol namin ang hininga, parehang kaunti nalang ay mauubusan na kami ng hangin sa katawan. Lalo na ako, I feel like I ran one whole fucking stadium. Halos hawak ko na ang tuhod ko at hinahabol ang hininga.

Hindi pa rin siya nakaharap sa akin. His back is still facing me so I made him look at me. And I regret making him look at me. He's crying. He's crying so hard. Napaayos ako ng tayo at lumapit lalo sa kaniya. But he took a step back.

"Bakit mo ako sinundan? Gamutin mo iyong kaibigan mo." Binigyang diin niya iyong salitang kaibigan sa akin. Na parang hindi talaga siya naniniwala na kaibigan ko lang si Jax! My God, ilang buwan na kaming magkakasama! Halos isang taon na nga! Bakit ba hindi niya maintindihan na kaibigan lang ang turing sa akin ni Jax at ganoon din ako?!

Sinubukan nanaman niyang tumalikod pero hindi ko siya hinayaan gawin iyon. "Saan ka ba nanggagaling, ha?! Nagkakagulo na ang lahat, dinagdagan mo pa?!"

Bigla siyang natawa sa sinabi ko. "Wow. Ako pa talaga ang dumagdag sa problema?! Ako pa?"

"E sino ba iyong nanuntok?! Ako ba?!"

"Why can't you understand that I'm jealous! That I'm mad at him and not at you! Siyempre, gagawin ko iyon kasi tang ina, boyfriend mo ako Khloe! Ako ang boyfriend mo!" Sigaw niya sa akin.

The sun behind him is enough to make me close my eyes. It hurts me to see him like this. It hurts me to see him mad because of me. I hate it when he gets like this. "Hindi ko lang nasagot mga tanong mo kaninang umaga, ganito ang gagawin mo sa akin?!"

"H-hind--" he cut me off.

"Then what?! Hinanap kita, pinuntahan kita sa bahay niyo! Sa kumpanya niyo! Umaasa na sana nandoon ka kasi alam kong gulat ka sa nangyari! Na hindi mo rin inaasahan iyong nangyari! Hinanap kita kasi iyon ang dapat kong gawin!"

"Naiintindihan ko na galit ka na kina direk, kay Ms. Aileen, pero tang ina naman, hindi naman ako sila, Khloe! Hindi naman ako ang nagsampa ng kaso sa daddy mo pero bakit mo ginawa 'to?!"

Hindi ako makapagsalita. Basag na basag na ako habang sinisigawan niya ako gamit ang paos na paos niyang boses. Parang hindi ko na alam kung kaya ko pa ba... O baka babagsak nalang ako sa sahig anumang segundo.

"Sana kaya kong alisin sa isipan ko na kaibigan mo lang iyong gago na 'yon. Kasi kung kaya ko? Hindi ko sana ginawa 'yon. Hindi ko sana siya sinapak noong una kaming nagkita... Naiintindihan mo ba iyon, Khloe?"

"R-rey naman.." I tried reaching him, but he keep taking a step back.

Biglang may sumigaw sa likuran namin. Nang lingunin ko, sila Raj at Jax ang tumatakbo papunta sa amin. Hinarap ko si Rey uli at nakababa nalang ang tingin niya. Then he turned his back on me. I can't move my legs.. I can't move any part of my body.

"Khloe.." Raj uttered beside me. I looked at him and hold his hand. "Ako na ang bahala sa kaniya... Lahat tayo nagulat sa nangyari... Intindihin nalang natin."

I nod my head. "Please tell him.. that I'm sorry. Really am. Please.."

He nod his head and fix his cap. "I will." Then he chased Rey, leaving me there.

(Magnus Haven #1) Fighting For His Name (COMPLETED)Where stories live. Discover now