Prologue

77 1 0
                                    

My life's been doing good.. at least in half.

"After school, you better go home, okay?"

Siguro kung tatanungin ako kung ano ang pinaka-tumatak na salita sa isipan ko simula nang maging aware ako sa paligid ay iyan. I have a conservative kind of family. Where my parents are highly devoted to what God said. To what He wants us to do. Na kung Ano ang sabi Niya ay gagawin namin.

Maraming factors ang nakukuha ko rito. At least, safe ako kapag sa mga oras na may babala o kaya naproprotektahan ako ng husto. To make it short, I've been jailed for almost twenty one years.

"Hindi ba sabi ng daddy mo na dapat bago mag seven ay nandito ka na?!" Malamlam lang ang boses ni mommy pero batid ko ng galit siya. Sinabi ko naman na nahuli lang ako dahil nakikisabay lang ako umuwi.

May kotse kami, oo. Pero sa araw na iyon ay gamit lahat dahil gamit ni daddy para sa business namin. Nasakto na kailangan kong sumabay para kahit papaano maging safe ako pag-uwi galing school. Iyon nga lang ay nasiraan ang kotse kaya natagalan.

Ilang beses lang iyon sa daan-daang beses na napagalitan ako dahil nasaway ko sa kanila. Kapag late umuwi, kapag hindi sila sinunod at ano-ano pa na hindi suwak sa panlasa nila. Aaminin kong nakakasakal... din minsan.

Pero kung iisipin ko kung ako ang gusto nilang mangyari sa akin, kung ano ang gusto nilang marealize ko ay hinahayaan ko nalang. Kasi kahit papaano ay mabait pa rin naman sila sa akin kahit ilang beses na akong sumuway sa kagustuhan nila.

We still bonded like a normal family. Kapag wala silang gagawin, at nasakto na wala rin sa akin ay aalis kami para magsimba saka lumabas. Tipikal na ginagawa ng usual na pamilya sa Pilipinas.

Siguro, kailangan ko nalang muna indahin lahat ng ito. Twenty one na ako pero kailangan ko pa ng permission nila. Tatlong taon na simula nang mag eighteen ako yet I'm still caged like a teen girl in this house. But in that hell, I managed to study well.

Kasi namana ko ang parehong talino ng magulang ko? Ako lang ang anak nila. Kaya walang takas ang katawan na ito sa genes at kakayahan ng dalawang taong nagbigay ng buhay sa akin. Lahat ay nakuha ko sa kanila.

I am much exactly like my mom. Lalo na noong kapanahunan niya. I saw her old photos and there's no escape to admit thay I really look lile her. The only thing I got from daddy is his nose. Mom's nose is pointed, but my dad's much more pointed. And I got the latter.

"May meeting daw sa faculty mamaya.. O baka sa AVR, punta ka?" May inabot na folder sa akin si Mari at binasa iyon. Napahilot ako ng sentido nang makita ang mga letra sa harap nito.

"Salamat.." Kuha ko sa inabot niya. Umupo siya sa harapan ko at kinuha ang coffee ko sabay simsim.

"Stressed na stressed?" Panunuya niya.

"You didn't read this?" I asked and pointed at the folder she gave me. She shook his head and grab her laptop.

"Nope! Sinabi sa akin ni Jared na huwag ko raw basahin kasi hindi niyo naman ako ka-org. Buwisit na iyon, hihingi na nga ng favor, pinagalitan pa ako." Umirap pa siya.

Si Jared iyong vice president ng org namin. Ang binigay niya ay iyong proposal na gagawin para sa nalalapit na school day. Kailangan kasi bawat org ay merong booth na maiilagay sa open field tutal binigyan kami ng funds para roon. Ang problema, tatlong araw na simula nang balaan kami ay wala pa rin kaming naiisip.

Nang mabasa ko iyong tentative proposals sa harap ng folder ay nanghina lang ako lalo. Hindi pa ako tapos mag-edit ng thesis namin tapos sumabay pa 'to. Hindi nga dapat ako ang gagawa nito pero dahil ako ang president at kailangan ng approval ko ay kailangan talaga na dumaan sa akin ito.

(Magnus Haven #1) Fighting For His Name (COMPLETED)Where stories live. Discover now