Chapter 14

26 0 0
                                    

Kayla was left silence.

Binitawan ako ni Rey para kausapin ang ate niya. When they were out of sight, I faced Kayla and tried to show her my smile. "Hi." Bumati ako sa kaniya sabay kaway.

Hindi siya nagsalita. Nanatili lang ang tingin niya sa akin na para bang may mali akong nagawa ngayong araw. Naghintay ako ng salita mula sa kaniya pero bigla nalang siyang tumalikod at umalis.

I didn't bother to chase her, hinayaan ko nalang. Pagtalikod ko, I saw Rey asking me to come near. Paglapit ko sa kaniya ay hinigit niya ako nang mahigpit.

"Thank you.." Sabi niya habang yakap-yakap ako. I let him hug me for how many minutes before letting me go. "May receipt ba? Bayaran ko na ng--"

"Consider it as my help, Rey. Huwag mo na bayaran."

Siyempre, nahulog nanaman kami sa matagal na away. Hindi niya gusto na gumastos ako para sa kanila dah hindi ko naman obligasyon iyon. Plus, he has a money in his pocket kaya puwede naman niya palitan kaagad. But I told him that the second I'm with him, I'm already obliged to help him in many ways.

"Is she okay now?" Rey asked when his ate came out of the room. She nod her head and look at me.

"Okay na. Balik ka na sa gig mo. Minsan ka nalang mag-gig kaya hayaan mo muna ako."

Lumayo muna ako saglit sa kanilang dalawa para mag-usap sila saglit. Pagkaupo ko, nakita ko na may text sa akin si Jax. He's looking for me. Tinignan ko muna si Rey bago nagtipa ng reply sa kaniya.

Ako: Hospital. May nangyari lang with Rey's pero pabalik na kami diyan. Tapos na ba?

Hindi ko pa siya natatanong kung paano siya nakapunta kaagad dito. Obviously, naka dalawang kanta palang sila nang umalis ako. And I bet he didn't finish their performance kasi mas importante ito.

Jax Enrique Dawson: Not yet. Pero tatlong kanta lang kinanta ng banda nila. Ano bang nangyari?

Hindi na ako naka reply sa kaniya kasi biglang sumulpot sa harapan ko si Rey. Tumayo na ako at lumapit sa kaniya. "Ano sabi?"

"Balik nalang ako mamayang gabi. Tapusin ko muna ang araw na 'to." Hinalikan nanaman niya ako sa noo. "Balik na tayo?"

Pagbalik namin sa school, agad siyang ginulo ng mga tanong. I let him be with their management kaya nang mapalayo ako sa kanila ay hinanap ko si Jax para sabihan siya na puwede naman na siyang umalis kung ayaw na niya.

"Psst!" Para akong tanga na pumito kahit ang lakas ng speakers na nasa kalayuan ko. Pero napatingin kaagad sa akin si Jax na focus sa performance. Lumapit siya at tumingin sa likod ko.

"Wala siya.." Natatawa kong sabi.

"You smell really hospital vibes." Tinakpan niya pa iyong ilong niya.

"Ang OA mo!" Natatawa kong sabi sa kaniya.

Inaya niya ako na lumilong muna bago nagtanong. "Ano bang nangyari?"

Hindi ako obligado na magkuwento pero sinabi ko nalang sa kaniya. He was shocked, too. But the shocked washed away when I told na okay naman na si tita. Pero nang sinabi ko na ako nagbayad ng something about those, hindi niya maiwasan na magtaas ng kilay.

"If you're gonna tell that I did something bad, huwag na. I did something good. Huwag mo na baliktarin."

Jax chuckled. "Wow. Do you think I'n reversing everything that you're saying? Grabe ka."

"But no. Nagulat lang ako kasi hindi pa naman kayo mag-asawa pero naglabas ka na kaagad ng malaking pera para sa kaniya."

Hindi nalang ako sumagot kasi hindi rin naman siya makaintindi. Sinabi ko nalang sa kaniya na kung gusto na niya umalis ay puwede naman na kasi tapos na iyong banda. Pero sinabi niya na magmemeet sila ng girlfriend niya dito. After that, humiwalay na ako for good.

(Magnus Haven #1) Fighting For His Name (COMPLETED)Where stories live. Discover now