Chapter 11

18 0 0
                                    

Maybe it's not the same anymore but at least, we vent out everything.

Tahimik ang open field ngayong umaga. Wala na kasi halos pumapasok na students after the finals. Meron man, kagaya ko, nagpapatuloy na magreview for the upcoming Bar Exams. Wala akong kasama kasi nasa Catlan pa rin sa exam.

Si Rey naman, sinabi niya na may pupuntahan siya kaya naiwan nalang ako na mag-isa. Pero okay lang since kailangan ko ng masinsinan na pagrereview.

Nakalahati ko na iyong libro bago pa mag lunch. Tatayo na sana ako para bumili ng lunch. I have no Rey beside me to buy some lunch kaya kailangan na ako ang mismong bumili. But when I stood up, may naglagay ng plastic bags sa harapan ko.

I was too taken a back but when I saw Sean's face, napangiti ako. "Hi! Bakit?"

Tinuro niya iyong plastic bags. When I looked at it, puro pagkain. Alam ko na kaagad kung kanino galing, this is the same foods he's buying everytime na siya magvovolunteer dati bumili. "From Rey no?"

"Sino pa ba? He's really into you." Nagtawanan kaming dalawa. Bumalik ako sa upuan ko pero nanatili siyang nakatayo. "Kumain ka na? Marami 'to, hati tayo?"

Wala naman si Rey sa paligid at hindi niya papaalisin 'tong ka banda niya. I'm pretty sure he'll get jealous kapag nakita niya kaming dalawa magkasama. Si Louise nga hindi niya pinalampas, ito pa kayang isa?

"No. Dumaan lang ako para ibigay. I have someone to meet din." He smiled. Siya talaga may pinaka kalmado na mukha sa lahat. Although they are all handsome as hell, may something kay Sean na talagang naiiba sa apat. I just don't know why his ex left him.

"Ikaw ah! Good for you..." He smiled and murmured thank you to me. I ask him again pero kailangan na rin daw niya umalis kaya hinayaan ko nalang. Pinanood ko muna siyang mawala bago ako magsimula.

In the middle of eating, biglang tumawag si Rey. Kinuha ko iyong mga hindi ginalaw at doon pinasandal ang phone para matayo ito. Ceiling muna ang nakita ko bago bumaba at napunta sa mukha niya.

I waved my hand and smile. "Hi! Bakit?"

Tinitigan niya ng mabuti ang screen, maybe looking what I'm doing. Pinakita ko iyong kinakainan ko at napangiti siya after. "I was about to ask you kung hinatid na ni Sean iyong pagkain. Good dog."

Mapapangiti na sana ako pero nag banggitin niya iyong huling words ay nawala ang ngiwi sa labi ko. "Maestro."

Natawa siya. "Ikaw lang nandiyan?"

Tumango ako. "Just like what I said, Mari's still in vacation."

Nakita ko na sinapo niya ang noo niya. "Ah oo nga pala. Nakalimutan ko sorry." Ngumiti siya ng malungkot sa akin. Naalala ko iyonh dahilan kung bakit siya wala dito sa tabi ko.

Binaba ko saglit ang kubyertos at tumingin lalo sa kaniya. "Okay na si tita?" Ang tinutukoy ko iyong mama ni Rey. Nagpaalam siya sa akin na sasamahan niyang magpa check up mama niya at hinayaan ko naman siyang gawin iyon.

Ang kaso, hindi ko alam kung bakit. Naiintindihan ko naman kung ayaw muna sabihin ni Rey sa akin. It's a sensitive topic for their family, as his girlfriend, I respected it nalang.

Malungkot siyang tumango. "Yep! She's doing okay but she needs to stay here for a while.."

"Huh? Na confine na?" He nodded.

"Saan?" Some idea came inside my head. Pero nang tanungin ko iyon, I acted like I'm still shocked or what. Rey knows me so much, and I need to reverse my emotion para hindi niya mabasa kung ano man ang binabalak ko.

Sinabi niya sa akin iyong address sabay hikab. Bigla akong nakaramdam ng awa dahil sa nakita. Today is Monday, kakauwi lang namin lahat from Palawan yesterday. After ng usapan namin ni Rey from breakfast, hindi muna siya umuwi. Sa katunayan, kasama namin siya nang mag tour kami sa buong island. Walang nakakaalam na may ibang tao sa grupo. Kundi ako at si Jax lang.

(Magnus Haven #1) Fighting For His Name (COMPLETED)Where stories live. Discover now