Final Chapter

43 1 0
                                    

"Nasaan ba siya 'pre?"

Mariin kong pinikit ang mata sa tanong ni Rajih. Tinignan ko lang siya at natahimik na siya uli. Sinubukan ko uli tawagan ang pangalan ni Kayla pero wala talagang sumasagot.

Mabilis kong tinabi ang kotse at tinapik naman niya ako sa braso. "Take our advice if you can't take it anymore."

Napakagat lang ako sa labi at tumango sa kaniya. Pinanood ko siyang makapasok sa bahay nila bago sinubukan na tawagan uli ang number ng girlfriend ko. Pero wala talagang sumasagot.

Buong byahe ko pabalik ng siyudad ay padabog ang pagmaneho ko. Pagdating sa bahay, natigilan ako sa nakita.

"Oh my God, Kayla?!" Sigaw ng ate ko iyon!

Mabilis kong pinatay ang engine at halos liparin kung nasaan man sila ngayon. What the fuck?! Did she just slapped my ate out of nowhere?!

"Kayla!" Parang kulog kong sigaw. Nanlambot ang tingin sa akin ng kapatid ko habang hindi naman maipinta ang emosyon sa mukha ni Kayla. "What do you think you're doing?!"

I was waiting for her response but she quickly walked out. Hinawakan ako ni ate at sinabihan na kumalma. Putangina, paano ako kakalma kung sinampal ng girlfriend ko si mama at si ate ko ngayon?!

"Don't chase her." Payo niya. Pero hindi ko siya sinunod at mabilis na sinundan ang nakakalayong si Kayla sa bahay namin.

Malalim na ang gabi, tanging ang ilaw ng mga street lights ang gabay naming dalawa. Mabilis kong hinigit ang kamay niya at hinarap sa akin. "Nababaliw ka na ba?!" Bulyaw ko sa kaniya.

Naghintay ako ng sagot sa kaniya pero matalim lang ang titig na pinupukol niya sa akin. Hindi ko inakala na iyong unang babaeng minahal ko na labas sa pamilya ko ay gaganituhin ako. Pati na ang ina ko at ang kapatid ko.

"Tinanggap ko na sinagot mo lang ako dahil sa kung ano na ako ngayon pero tangina naman Kayla, ginagago mo lang ba ako?!"

Wala na sigurong mas masakit pa sa nangyayari ngayon. Iyong babaeng mahal ko.. Iyong akala ko makakasama ko na buong buhay ko ay ginaganito ako.

Sobrang sakit na 'nung nalaman ko iyong dahilan kung bakit niya ako sinagot tapos doble pa itong nangyayari ngayon. Wala naman akong ginawa. Wala naman akong ginawa para ganituhin niya ako.

Hindi ko naman siya ginago pero bakit nakaya niyang gaguhin ako?

"Ano?!" I stopped. "Bakit hindi ka makapagsalita ngayon?! Alam mong masakit para sa akin na sigawan ka ngayon kasi mahal kita pero binibigyan mo lang ako ng dahilan para gawin ko iyong mga bagay na pinangako ko sa sarili na hindi ko gagawin sa'yo!"

Bumagsak ang mga luha sa mata ko, pababa sa pisngi. Fuck. Nakaka-bakla.

"Kayla.." Sinubukan kong huminahon pero mabilis niyang inalis ang kamay ko sa kamay niya. At tumakbo palayo sa akin. Leaving me dumbfounded in the middle of the night.

***

"May sakit ka ba Rey?" Doon lang ako nabalik sa ulirat. Hinanap ko kung kanino galing ang tanong na iyon at napilitan ngumiti sa kaniya. Si Kuya Rem, iyong manager naming lahat ay medyo galit na nakatungo sa akin.

"Ang bagal ng pacing mo, hindi ka makasabay sa iba." Nakatingin lang sa akin ang mga ka-banda ko na may awa at pag-aalala. Of course, parang kapatid na ang turing naming lahat sa isa't-isa.

"Hayaan mo na kuya. Intindihin nalang natin." Sabi ni Sean nang walang may balak sumagot sa sinasabi niyo.

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya at umalis sa loob ng rehearsal room. Mabilis nilang binitawan ang mga instruments nila at nilapitan ako. Tinapik nila ang balikat ko at wala naman akong magawa kundi humalakhak sa harapan nila.

(Magnus Haven #1) Fighting For His Name (COMPLETED)Where stories live. Discover now