ℭ𝔥𝔞𝔭𝔱𝔢𝔯 18

1.4K 103 11
                                    

𝔗𝔥𝔢 𝔅𝔢𝔞𝔰𝔱
~※~
Lisandrei

"Jinsei, sigurado ka bang kaya mong buhatin yan lahat?" tanong ko kay Jinsei na andaming dala. Tatlong mabibigat na bag naman ang dala niya pero parang wala lang sa kanya.

"Yes," he said casually and his expression doesn't change a bit. Para siyang...hindi ko ma pinpoint pero parang wala siyang kakayahang magpakita ng emosyon o kahit ano.





Kung si Mason ay isang two-faced idiot, etong si Jinsei ay isang no face idiot. Yung blond little shit ay nakokontrol yung ekspresyon, etong Asmodian, walang ekspresyon.

Nasa bandang alas-dose na nang nakabalik kami sa base. Hindi namin nadatnan sila Himeko roon kaya't bumalik kami sa ibaba at naghanap ng makakainan.

Hindi ko alam kung nasaan sila Himeko ngayon. Siguro may case silang hina-handle.

Kakain nalang kami nitong si Jinsei.





"Jinsei, kain muna tayo."

"Hmm."





He nodded.

Still, no emotion.

Ibinalewala ko nalamang ito at napatingin sa kapaligiran. Nagsimula kaming maglakad at maghanap ng makakainan. And then, my eyes landed on a certain place.





"Jinsei...."

"Hmm?" kalmado niyang tanong, diretso parin ang tingin.

"May nakita na ako."





Napangiti ako at agad hinila si Jinsei papasok ng tavern. Hindi naman nagreklamo etong si Jinsei at hinayaan akong hilahin siya.





"AHAHAHAHAHA! YES! YES!" I triumphantly shouted.





May pera pa namang naiwan sa akin kaya't makakaya pa naming bumili ng serbesa at pagkain.

Pumasok na kami sa loob at nagsimulang mag-order. Beer at pie sa akin tapos bread at pie naman kay Jinsei.

Napapasulyap-sulyap parin ang ilang mga tao dito sa amin. Siguro ay dahil may kasama akong Asmodian. Pero wala namang pakealam si Jinsei sa kanyang kapaligiran at kumain lang ng kumain. Para siyang si Himeko, natatahimik kapag may pagkain.

Which makes me wonder. Hindi ba siya nakakakain ng tama for the past few days?





"Jinsei, if you don't mind me asking. Pinapakain ba kayo ng mga, uhhm, the you know who."





I can't just say Brotherhood sa ganitong lugar. Baka kung ano pang mangyari sa guild namin kung malalaman ng tao na may koneksyon kami o may pinag-uusapan kaming patungkol sa Brotherhood. Parang na gets naman ni Jinsei yung tanong ko at napasagot.





"Sometimes."





Sometimes? My hand on top of the table formed into a fist. But I maintained my calm expression.

That Brotherhood. Damn them. Anlupit nila! Pagkatapos ko sa Fang sila pupuntiryahin ko.

But looking at Jinsei, his build seems healthy despite not eating a lot. It must be because of the Asmodian blood.

𝔖𝔬, ℑ 𝔊𝔬𝔱 ℜ𝔢𝔦𝔫𝔠𝔞𝔯𝔫𝔞𝔱𝔢𝔡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon