"The wise yet arrogant King of Flames does not wish for foreign aid."
~※~"Ang init!" reklamo ni Loren at Seref. Especially Loren.
Nagtatambay sila sa gilid ng ship habang naglalayag kami papuntang capitol ng Flamazon. Papunta kami ng Tasosir.
There's a huge river that supplies the cities of Flamazon with water. Dito kami dumaan sa napakalaking ilog. Kasabay naman namin sa paglalayag ang ilang mga barkong papunta sa loob ng mga cities ng Flamazon.
This is better than walking. Ayaw din naming iwan ang barko namin sa dock ng Orbea. Ayaw din naming mag-renta ng cart. Huh, kumusta na kaya yung cart na inangkin ni Lisandrei sa Cydril?
"Lakasan niyo pa!" hamon ko sa dalawang nakikipag-training sa akin.
"Tsk. Wa'g kang paharang," sabay tulak ni Jinsei kay Mason.
Isang masamang tingin naman ang ipinukol ng isa balik sa kanya.
"Stop dominating the entire area, idiot. Wala ka talagang awareness sa paligid mo," sabi naman ni Mason. Clearly trying to agitate Jinsei. Mason gave him a judgy stare. "Hindi na ako magtataka kung nakapatay ka ng kakampi mo."
Jinsei glared at Mason who was smug after what he said. At, nagsimula na naman silang mag-away.
Napunta naman ang tingin ko kanila Ulric at Lisandrei na naglalabanan sa top deck. Hays, baka masira nila yung steering wheel sa intense ng away nila.
Agad kong iniwasan ang papalapit na slash galing kanila Mason at Jinsei. Hah, trying to attack as I lay down my guard now?
I smirk and used a nearby barrel to lift myself up and land on Jinsei's head. Nagbalanse ako doon at kita ko ang gulat sa mga mata niya. Nakapaa naman ako, hindi masyadong madumihan ulo niya.
"Nagkabati na ba kayo, hah?" tawa ko. "Baka gusto niyo pa ng ilang minuto?"
Mason laughed, but the devil in his eyes was evident. The two-faced idiot is slowly losing his cool.
Hinanda niya ang sandata at ini-swing ito papunta sa itaas ng ulohan ni Jinsei. I immediately kicked myself up and flip mid-air sabay landing sa sahig.
"Tsk. Watch it!" inis na sigaw ni Jinsei kay Mason sabay ayos ng nagulong buhok nito. He sighed and lift up his sword, ready to take me down.
"Jinsei, plan B!"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Mason at agad napangisi.
"Lah, nagplano pala kayo? Friends na kayo niyan? Kailan kayo nagka-intindihan?" agad kong iniwasan ang tinapong extra wooden sword ni Mason.
"S-Shut up!" - Mason.
"Tsk." - Jinsei.
Pareho silang nainis dahil sa sinabi ko. I can't believe they set aside their differences and came up with a plan once again! They should do this all the time? Ahaha, nagplano ba sila kagabi? O kaninang umaga?
At dahil sa asar ko, awkward na silang gumalaw. It wasn't too long for me to beat them with the state they were in.
"Pfft—how's the sun?" I teased. Kanina pa sila humihingal at nakahilata sa sahig ng upper deck. Wala kasi silang pang-itaas kaya't parang nag sun bathing silang dalawa matapos ko silang mapatumba.
BINABASA MO ANG
𝔖𝔬, ℑ 𝔊𝔬𝔱 ℜ𝔢𝔦𝔫𝔠𝔞𝔯𝔫𝔞𝔱𝔢𝔡
FantasíaCOMPLETED 2023 Himeko has already tasted death twice. As the cycle of death is ready to claim her again, she is then pulled out by the divine intervention of time. Will she survive the hurdles of accepting the deal of a God? Or, will her insanity ea...