Chapter 5: With him

64 18 0
                                    

Chapter 5: With him

Hurt's Pov

Nagising ako ng maramdamang may tumatapik sa pisngi ko at pag kamulat ko ng mga mata ay nakita ko si Zion na malapit sa mukha ko kaya'y napaupo ako agad ng maayos.

Sinundo ako nito kanina sa mall dahil naisipan kong mamasyal kaso nakita kong tumatawag ito, Nag papasama naman itong Mag transfer sa Fontanna Wood.

Sa academy na pinapasukan ko.

Kakagaling lang namin doon at napagpasiyahan kong dumiretso muna kami sa Condo niya dahil inutusan ako ni mommy na ipagluto siya.

"Nandito na ba tayo?" Tanong ko rito at tumango naman ito.

Bumaba na ito ng sasakyan kaya sumunod na rin ako, Habang nag lalakad ay hindi ko napigilang isipin ang mga nakita ko noong isang araw. Si Saint kasama yung Fiancee niya, Mahal ko siya mahal niya rin ako pero kailangan niya ring samahan yung Fiancee niya.

Hay ewan, ang gulo ng buhay.

Yes, Alam ko na may fiancee siya kailangan iyon ng pamilya namin Kailangan naming sundin ang nakasanayan-ang maipakasal sa ibang tao na hindi naman namin mahal.

Masuwerte ako at mabait ang mga magulang ko, Pinayagan nila akong kilalanin muna si Zion dahil alam kong gusto lang nila na masaya ako sa lahat ng bagay.

"Hey, Hurt andito na tayo." Nagising ako sa pagiisip ng makitang narito na kami sa harap ng Condo nito.

Tinanguan ko lang ito at binuksan na nito ang Condo unit niya.

"O-order na muna ako tapos ihahatid na kita sa inyo." Anya nito sa akin.

"Bumili na rin naman tayo kanina diba? Ako nalang yung magluluto." Pago-offer ko rito.

"Sigurado ka? Marunong kaba?" Tanong nito. Inirapan ko lang ito at ini-ayos na ang mga pinamili.

"Mago-offer ba ako kung hindi ako marunong? Tsh." Pag tataray ko rito.

"Naninigurado lang baka mamaya bumubula na yung bibig ko dito." Sabi niya.

"Anong gusto mong kainin?Baka sakaling alam kong lutuin." Tanong ko.

Madami dami na rin naman akong alam lutuin dahil hobby ko yon bukod sa pag babasa ng libro.

"Kahit ano basta makakain." Anya nito at pumasok na sa isang silid.

Napailing nalang ako, wala talagang tiwala sakin 'tong mokong na'to.

Hinanda ko na ang mga Ingredients na gagamitin ko sa pag luluto, at dahil hindi ko naman alam ang gusto non mag luluto nalang ako ng Fried Rice at Pork Steak gabi na rin kasi at matutulog na rin kaya iyan nalang muna.

Lumipas ang minuto at natapos na rin akong magluto pero napansin kong hindi parin lumalabas si Zion kaya naisipan ko na itong katukin sa loob ng kuwarto niya.

"Zion? Luto na yung pagkain!" Sigaw ko rito at kumatok muli.

Kakatok pa sana ako pero nagulat ako nang may humuli ng kamay ko at nang tumingala ako ay si Zion pala ito.

"U-uh a-ano kakain na tayo." Nauutal kong sambit rito.

Hindi ako makatingin ng maayos dahil naka topless ito at may tumutulo pang butil ng tubig mula sa buhok nito papunta sa dibdib niya.

"Sige mag bibihis lang muna ako."Sambit nito.

Ako lang ba ito o talagang ang sexy ng pagkakasabi niya?

Umiling ako sa naisip at inayos na lamang ang hapag kainan.

Umayos ka nga, Hurt!

Nang matapos ako ay sakto rin ang paglabas ni Zion sa silid, Nakabihis na ito at tila'y nag blower rin dahil lumitaw na ang kulot nitong buhok.

Umupo na ito sa harapan ko at nag simulang kumuha ng pagkain, nang akmang susubo na ito ay nakita nitong nakatingin ako sa kaniya.

Unwritten Destiny (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon