Chapter 24: 2 years ago

34 7 0
                                    

Chapter 24: 2 years ago

"Hoy, Samantha! Aba, border kaba?! Daig mo pa kami sa pagtulog ha! Gumising kana jan! " Sigaw ng tiyahin kong ubod ng lakas kung sumigaw abot hanggang kabilang bayan.

"Babangon na 'ho" Tumayo na ako at sandaling nag-inat ng mga buto.

"Aalis na ako! Mag linis ka jan!" Muling sigaw nito.

Inayos ko muna ang magulong higaan bago ako lumabas, dahil tiyak na sisigawan na naman ako nito pag nakitang nariyan pa rin at magulo ang higaan.

Pagkalabas ko ay nakita kong nag-iwan ito ng papel sa lamesa kaya binasa ko ang nakasulat rito.

'Aalis muna ako at may date kami ng boyfriend ko, tiyakin mong malinis ang bahay jan kung hindi malilintikan ka sakin!'

Sabi sa sulat, inis ko itong pinunit at tinapon sa basurahan sino ba siya sa inaakala niya? Ano ako utusan niya?

Padabog kong kinuha ang mga kasangkapan na gagamitin ko sa pagluluto.

Pagkatapos makapag luto ay agad akong kumain para mayroon akong enerhiya sa paglilinis na gagawin ko.

Aba! Napapagod rin ako no!

Inuna kong linisin ang maruming sala at sinunod ang magulong kusina, Pagkatapos ay inihuli ko ang maliit naming kwarto nilinis ko na din ang kwarto ng anak ng tiyahin ko.

Ano kayang pakiramdam maging mayaman?

Masaya kaya? Matic na siguro yon, wala silang problema sa lahat dahil natatapalan ng pera.

Sana. .sana mayaman nalang din ako, para hindi ko dinaranas 'tong lahat ng 'to.

Hindi ko namalayang natapos ko na palang linisan ang buong bahay, napa-upo ako sa sahig at pinunasan ang mga pawis na tumutulo mula sa noo ko.

Ikaw ba naman ang maglinis ng buong bahay, ewan ko lang kung di ka mapapagod.

Pagkatapos kong mag monologue ay tumayo na ako para maligo dahil amoy ko na yung bahong tinatago ko.

Pero syempre dahil mahirap lang kami ay wala kaming sapat na tubig kaya minsan ay kinakailangan naming mag-igib mabuti nalang at may stock pa.

Agad akong naligo at nagbihis, Nagsuot lang ako ng simpleng v neck shirt at itim na pantalon. May lakad ako ngayon, igagala daw ako ni Matt—Boyfriend ko!

Siguro akala ng iba mayayaman lang ang pwedeng mag boyfriend, kaming mga dukha rin no! Mayaman ang boyfriend ko pero hindi against ang pamilya niya sa akin, mabait pa nga sila e.

Best friend ko naman ang kapatid ni Matt na si Reesh, sabay kaming pumapasok sa kolehiyo. Parehas rin kami ng kursong kinuha, ang Online Journalism.

Mahal na mahal ko ang kurso ko na iyon kahit na medyo nagigipit ako sa budget dahil nga hindi kami mayaman, working student ako at minsan ay sinasamahan ako ni Reesh kahit na pinagbabawalan ko ito.

Natapos akong mag-ayos ng kaunti at lumabas na, nakasalubong ko naman ang isa pang PESTE sa buhay ko.

"Ano? Lalandi ka na naman? Hindi ka ba nahihiya? Dakilang ulila ka at dukha tapos siya mayaman, Ang laki ng difference no? Yuck!" Maarte nitong pagkakasabi.

Unwritten Destiny (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon