Special Chapter: Samantha

26 2 5
                                    

Samantha Pein Ramirez

Malakas na ihip ng hangin, ang sumalubong sa akin sa dalampasigan.

Magandang tanawin, at ang nakabibighaning karagatan.

Huling araw na.

Huling araw ng kalayaan, huling araw ko na.

Bukas ay kailangan ko nang mag-paalam sa mundo.

Lilisan na talaga akong tuluyan.

"Sam!" Pag-tawag sa akin.

Napa-lingon naman ako roon, nakita ko si Reesh na nag-iihaw ng pagkain.

Naka puting bestida, nilalantad ang balingkinitang katawan.

Hindi na 'ko makakapag-suot niyan, bukod sa bawal ay hindi rin babagay sa akin, malaki na ang ipinayat ko, kada taon ay  nababawasan rin ang timbang ko.

Narito kami ngayon sa pinagdalhan sa'kin ni Alistair dati, sa tagaytay.

"Hey, Sam! Join us, babe!" Anya ni Shaine.

Pareho naman nila akong hinila ni Nicotiana.

Humagikgik lang ang dalawa't iniupo ako sa isang upuan doon.

Pare-parehas na may nakapatong na korona sa amin, koronang gawa sa bulaklak.

"Ano ba yan, ngumiti ka nga, Sam!" Ani ni Nicotiana.

"Oo nga, huwag mo nang isipin pa ang iniisip mo ngayon, mag-enjoy ka!" Reesh said.

"Okay girls, I'm enjoying it, okay?" Ani ko.

Ilang sandaling katahimikan ang bumalot sa amin.

Hanggang sa narinig ko na lang ang paghikbi ni Reesh na sinundan ng dalawa.

Natataranta naman ako't hindi alam ang gagawin.

"Hey, stop crying. I'm. . I'm still alive, okay? Can't we just, enjoy this moment?" I pleased.

"I'm sorry, tears of joy! Haha." Pag-bawi agad ni Shaine.

"Let's eat! Look, nag-ihaw ako ng mga favorite mo, Sam!" Masiglang sambit ni Reesh.

"My god, I can't still believe that you're Samantha!" Reesh said.

"Long story." Sabi ko.

"Past is past girls! Move on!" Reesh said.

"Wow, look at the girl who still love hmm. ." Nakita kong sinamaan ng tingin ni Reesh si Shaine na ngayo'y tumatawa na.

"Oh, shut up, Shaine." Inis na sabi ni Reesh dito.

"Tuff? Hmm, wait— Omg!" Gulat kaming lahat ng biglang itulak ni Reesh si Shaine sa dagat.

Pero nabawi rin nang mag-umpisa na silang magbasaan.

Napa-iling iling na lang kaming dalawa ni Nicotiana.

Unwritten Destiny (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon