Chapter 22: Who are you?
"Hey, Are you okay?" Nabalik ako sa katinuan ng iwinagayway ni Alistair ang kamay niya sa harap ko.
"H-huh?"
"Are you okay? You don't look fine" Nag-aalala nitong sabi.
"I'm okay" Mahina kong sambit.
"You sure?" Pagsisigurado nito.
Tumango lang alo rito at binigyan ito ng ngiti upang huwag ng mag-alala sa akin.
Nasa hapagkainan na kami ngayon balak na naming umuwi mamayang hapon kaya mamamasyal muna kami ng saglit rito.
"Let's go?" Anya nito pagkatapos naming kumain.
Muli ko itong nginitian at tumayo na mula sa upuan, May pupuntahan daw kami.
Ilang sandali ay huminto kami sa isang Bakanteng lote maraming puno ng mangga doon at masarap tambayan ang lugar na ito.
"Ito yung palagi kong pinupuntahan kasama siya" Nakangiti nitong sabi.
Inanyayahan naman ako nito umupo sa isang duyan na nakasabit sa puno.
"Nakilala ko siya dito. ."
". . Naliligaw ako noon tapos napunta ako dito, nakita ko siyang umiiyak non. Kaya sinamahan ko siya, sabi niya iniwan daw siya ng mama niya kaya siya umiiyak" Mapait ang ngiting pagku-kuwento nito.
"Wala naman akong alam sa pagpapatahan dahil bata lang rin naman ako nung panahong yon, kaya ang ginawa ko na lang ay umiyak rin kaya siya napahinto at tinanong kung bakit ako umiiyak"
"Ang sagot ko sa kanya ay 'umiiyak ka e, tinularan lang kita' Sabi ko kaya natawa siya. Tumahan na siya non kaya siya na mismo ang naghatid sa akin papauwi, minsan nagising nalang ako na hinahanap ang batang iyon kaya lagi na akong pumupunta dito. Hangang sa nakita ko nalang ang sarili kong nakasanayan na siyang kasama" Napangiti ito bigla.
Tumayo ito mula sa duyan at nilapitan ang isang puno, may hinahawakan siya rito pero hindi ko gaanong makita dahil tinatakpan ng kamay niya.
"Andito pa rin pala ito" Nakangiti nitong sabi.
"Yung ano?" Tanong ko at pilit na sinisilip ang hinahawakan niya.
"Yung pangalan na inukit naming dalawa" Sabi nito at 'saka tinanggal ang nakaharang niyang kamay.
Doon ko nakita na may naka ukit nga roon, lumapit ako at hinawakan ang pangalan na nakaukit rito.
"Pein. .Bomby. ." Pag-basa ko sa naka ukit rito.
Inakbayan naman ako ni Alistair at ginulo ang buhok ko.
"You sounds like her while your reading my nickname"
"Oh, did i?"
"Well, yes"
"Teka, ipapakilala muna kita sa kanya" Sabi nito at yinakap ako mula sa likuran.
"Pein, This is Hurt my Fiancé" Ramdam ko ang hininga nito sa batok ko.
"Hi Samantha, I'm Hurt Alisson Martinez soon to be an Ildefonzo. Thank you for taking care of him but now it's time to let him go and be with me forever" Nakangiti kong sabi.
Ilang sandali ay umalis muna si Alistair para bumili ng makakain namin kaya pumunta muna ako sa tapat ng puno kung saan naka ukit ang pangalan nilang dalawa.
Muli ko itong pinaraanan ng mga daliri ko at dinama, dahil parang. . parang
. .Umukit rin ako rati.
BINABASA MO ANG
Unwritten Destiny (Completed)
SonstigesJounalism Series #1 Completed Genre: Romance/Mystery/Tragic Samantha Pein Ramirez was a Journalist, who happened to be involved on a Bomb explosion. After a month she wake up in a Hospital, and can't remember her own name. And there's a woman saying...