Chapter 29: Happiness

27 6 0
                                    

Chapter 29: Happiness

"Hey, Hurt! Dito tayo!" Hinila ko ito para makasilong sa isang maliit na bubong na nakita ko roon.

Napagpasyahan kong igala si Hurt dahil mas gusto ko pa siyang makasama.

"Ate, hindi ka ba hahanapin sa inyo? Ate baka hanapin ka na nila, ayos lang naman ako." Sambit nito.

Sandali akong napatingin rito at hinawakan ang magkabilang kamay nito.

"Dito lang ako sa tabi mo. ." Sambit ko bago ko ito muling hilahin at dalhin sa kung saan saan.

Nang mapagod na ay sandali muna kaming nagpahinga sa isang tabi.

Ang saya ko ngayon, dahil sa wakas muli na kaming magkasama.

"Ate, ayos lang ako baka hinahanap kana nila. ." Kanina pa ito nag pupumilit na umalis na ako pero kanina ko pa rin sinasabing hindi ako aalis.

"Mamayang gabi na, gusto pa kitang makasama!" Masayang sambit ko rito.

"Pero ate. ." Hinawakan ko lang ang magkabilang pisngi nito para iparamdam na nandito lang ako parati sa tabi niya.

Kahit na hindi niya naman ako nakikita. .

Nakita ko ang pag buntong hininga nito at ngumiti na lamang sa akin.

Patuloy lang kami sa paglibot habang patuloy ko siyang inaalalayan.

Lumipas na ang ilang oras at napagpasyahan ko ng ihatid siya sa kanila.

"Babalik ulit ako bukas, ha!" Masiglang sabi ko.

"Aasahan kita ate, ingat ate!" Ako na mismo ang nagbukas sa pintuan nila at nakita ko naman ang mga bata na nasa loob ng bahay na iyon na tila'y nag aabang sa kanya.

Kumaway pa ako rito kahit na alam ko namang hindi ako nito nakikita, tinanguan ko nalang rin ang nga tao roon sa loob ang nagpaalam na.

Anong oras na rin kasi kaya kailangan ko ng bumalik, tiyak na hinahanap na ako nila Mom.

Sumakay na ako sa sasakyan ko at pinaandar na ito papalayo sa bahay na pinuntahan ko.

Nang makarating ako sa bahay ay agad akong umakyat sa taas, nakita ko pa ang pagtingin nila mom and dad sakin habang papa-akyat kaya tinanguan ko nalang sila at binati.

Nang makarating sa kwarto ko ay agad kong iniitsa ang sarili ko sa kama, iniisip ang mga nangyari nitong nakaraang buwan.

Agad akong napaupo ng maalala ko ang diary ko, halos puno na ito tungkol sa buhay ko, simula kasi ng nakilala ko si Alistair ay palagi na akong nagsusulat rito.

Week 31
March 25, 2021

A day with full of happiness, i just met my twin sister and I'm very happy. But i don't know if i can take this anymore, i don't want to act like i don't have any idea on who i am, and where i belong.

This is not my life, this is not the life i'd used to be. I just want to have a peaceful life with my twin sister, my heart feel an ache when i see my sister's eyes, she can't see me, she can't see anymore.

Unwritten Destiny (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon