Chapter 7: Touring

48 11 0
                                    

Chapter 7: Touring

Hurt's Pov

Iniling ko lang ang ulo ko dahil sa mga iniisip kong ito.

Saglit kaming tumigil sa isang Restaurant at dahil ma-pride akong tao ay nanatili lang ako sa sasakyan, Bahala siyang kumain mag-isa niya.

Lumipas ang ilang saglit at nakita ko itong papasok sa kotse at may dala itong supot.

"Ano yan?" Tanong ko rito.

"Pagkain." Tipid nitong sambit.

Tumagilid lamang ako at humarap sa bintana para hindi makita ang mukha niya, Nakakairita kasi!

"Kumain kana, habang papunta tayo sa school." Sabi niya at lumingon naman ako rito nang naka-kunot ang noo.

"Ako?" Nag tatanong kong sambit habang naka turo sa sarili ko.

"Hindi, yung kotse ko. Syempre ikaw sino pa bang kasama ko dito sa loob, Diba ikaw lang?" Naiirita nitong sambit.

Inirapan ko lang ito at tumagilid muli para humarap sa bintana.

"Kainin mo yan, ang daming batang nagugutom." Sabi nito.

"Bakit mabubusog ba sila pag kinain ko yan?" Anya ko.

Nanatiling nakatalikod pa rin ako sa kanya.

"Hindi, Pero masasayang yung pera ko." Sabi nito.

"Edi babayaran ko, busog ako ayokong kumain." Pag-tataray ko rito.

"Bahala ka, ikaw lang din naman yung magugutom." Anya nito

Nagpatuloy lang ito sa pag-dadrive, at nang makarating sa parking lot ng school ay agad na rin akong bumaba.

"Dito ka lang muna, Magsasabi lang muna ako sa kaibigan ko na hindi ako makakapasok sa first subject." Ani ko sa kanya.

Tumalikod na ako rito at nang akmang maglalakad nang hinawakan ako nito sa braso.

"Excuse kana sa First and Second subject mo, si mom yung nag excuse." Sabi nito.

"Then let's go." Anya ko.

Hinila ko ito papasok sa loob ng school, balak kong dalhin muna siya sa Garden ng school.

"Sa school, kailangan lagi mong dala ang Personal's Card mo. Pwedeng mag pakulay ng buhok pero bawal ang very light color, Bawal rin ang super ikling damit." Pahayag ko.

Binitawan ko na ito at sumusunod lamang sa akin ito.

"Bawal ma-late, at bawal gumimik kapag class day, meaning pag walang pasok kalang makaka-gimik. This school is the most popular school in Asia, Mayaman ang mga Fontanna kaya may mga mata sila sa lahat ng gimikan inside or outside in this country." Sabi ko rito.

"They just want the best for their students." Dugtong ko.

Nakarating na kami sa Garden at hinayaan ko itong mag-ikot sa loob ng garden.

Sa loob ng garden ay maraming magagawa, may Maze rito at may Mini Park din, may mga Picnic Table at Dating Place rin.

"Sa garden, bawal mag kalat at bawal rin ang Making out. Dating place is a place to court the girl not to spread her legs." Sabi ko rito.

"Mukhang dito na ang magiging tambayan ko." Tumatangong sambit nito.

Napa-irap lang ako rito't muling naglakad.

Hinila ko ulit ito at dinala sa School Hall, pumasok na kami sa loob at tulad kanina ay hinayaan ko lang itong mag-ikot.

Kailangan niyang makabisado 'to, mahirap na baka maligaw pa.

Unwritten Destiny (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon