Chapter 8: The favor
"Alistair!" Habol ko rito habang tinatawag.
Nang mahabol ay agad ko itong hinawakan sa braso at hinila papunta sa sasakyan niya.
Nakatingin lang ito sa akin habang hinihintay akong mag salita.
"Boyfriend ko si Saint." Pag amin ko rito.
"Great, you have a boyfriend but you just let me to kiss you." Rinig ko ang lamig sa boses nito.
"I'm not letting you, Alistair. You're the one who did it." Ani ko.
"Pero ginusto mo rin! Kung hindi mo yun ginusto malamang nung una palang nagsabi kana na may Boyfriend ka." Anya nito.
Agad namang dumapo ang palad ko sa pisngi nito.
"So, ganyan ka porket walang boyfriend ang babae hahalikan mo nalang basta-basta." Ani ko.
"Hindi, ikaw lang, kasi akala ko iba ka." Sabi nito.
Magsasalita pa sana ako ng nagulat ako nang bigla nalang bumulagta sa sahig si Alistair, at maya-maya ay nakita ko nalang ang sarili kong inaawat sila Saint at Alistair.
"Stop! Tumigil na kayo! Saint!" Sigaw ko rito.
Mabuti nalang at oras ng klase ngayon kaya walang nakakakita sa nangyayari ngayon.
"Saint!" Sigaw ko at hinila na si Saint papalayo.
"Stop! Okay!" Sabi ko rito.
Bigla naman ako nitong hinila at yinakap, sa harap ni Alistair.
"Are you okay? Did this asshole hurt you?" Galit nitong tanong.
"No, I'm okay, L-let's go." Sambit ko rito.
Sinulyapan ko naman nang tingin si Alistair nakaka-awa ang itsura nito, mayron itong sugat sa pisngi at pumutok ang labi niya.
Iniwan namin si Alistair doon, tingin ko naman kaya niya nang umuwing mag isa.
Kaya niya naman diba?
One year lang naman ang titiisin ko, maghihiwalay din kami.
"Babe, Are you really okay? Kanina ka pa tahimik jan." Sabi nito.
Nasa Condo niya kami at parehas na hindi pumasok.
Okay lang kaya si Alistair?
I can't help but to worry about him.
Mag-iisang linggo narin kaming mag kasama at naging malapit na rin ako rito, Pero hindi ko mapigilang magalit sa mga sinabi nito kanina.
Pero, ako pa talaga ang may karapatang magalit?
Alam ko namang mali ang isipin siya habang kasama ko si Saint pero hindi ko mapigilan lalo na't nagi-guilty ako nung iwanan ko siya sa ganong kalagayan.
Wala naman akong magagawa, hindi ko naman kayang samahan siya at iwanan si Saint.
"Babe? Hey, are you listening?" Nagising ang diwa ko rito nang marinig kong tawagin ako ni Saint.
"Uh, y-yes i'm just imagining things." Sabi ko rito.
Doon ako nag palipas ng oras sa Condo ni Saint, hinatid ako nito ng bandang alas-siyete na nang gabi.
"Bye, Babe. See you tommorow." Sambit nito at binigyan ako ng halik sa labi.
Tinanguan ko lang ito at bumaba na ng sasakyan niya.
Napa-kunot ang noo ko nang may makita akong 'di pamilyar na kotse sa tapat ng bahay namin.
Kanino kaya 'tong kotse na'to?
BINABASA MO ANG
Unwritten Destiny (Completed)
RandomJounalism Series #1 Completed Genre: Romance/Mystery/Tragic Samantha Pein Ramirez was a Journalist, who happened to be involved on a Bomb explosion. After a month she wake up in a Hospital, and can't remember her own name. And there's a woman saying...