Chapter 4: Getting to know each other
Zion's Pov
Narito kami ngayon sa isang boutique, bumili siya ng damit dahil nadumihan siya kanina nang bumagsak kaming dalawa sa lupa. Nakatingin lang ako rito habang namimili ito ng damit na bibilhin.
Masasabi ko na maganda naman ito maputi at mala porselana ang balat maganda ang hugis ng mukha at mahahaba ang pilik-mata, Isa sa mga maka-agaw pansin rito ay ang kanyang mga mata na kulay ube ngunit mapapansin mong wala iyong buhay parang laging malungkot at walang kulay. Matangos ang ilong nito at manipis ang kilay, dahilan kung bakit nagmumukha siyang mataray may dimples ito sa magkabilang gilid ng pisngi at manipis ang namumula nitong labi.
Dahil doon naalala ko na naman ang halik na hindi naman namin parehong sinasadya.
Nagulat ako nang bigla ako nitong itulak kaya napakapit ako rito, dahilan kung bakit pareho kaming natumba.
Nakapikit ako ng matumba kami, ngunit agad ding napadilat ng maramdaman kong tila'y may malambot na nakadikit sa labi ko at nakita ko si Alisson na nakatingin rin sa akin.
Agad naman itong napatayo at pinagpagan ang sarili, nakita kong nadumihan rin ito kaya hinila ko nalang ito at isinakay sa sasakyan 'saka dinala sa boutique pagkatapos ay nagpalit na rin ako.
Dahil sa pag-iisip ay hindi ko namalayang nakatayo na pala siya sa harapan ko, Tinignan ko lamang ito at tinalikuran binigay ko ang credit card ko sa sales lady nang maibalik ay dumiretso na ako sa sasakyan.
Nakita ko namang nakatayo lang at mukhang nagulat si Alisson sa ginawa ko kaya sinigawan ko na ito.
"Hoy! Tara na, ano pang ginagawa mo diyan?" Sigaw ko rito na siyang nagpagising sa katawang lupa niya.
Agad itong naglakad patungo sa sasakyan tsaka ko napansin ang binili nitong damit, off shoulder ito at fit sa katawan kaya kita mo ang kurba nito.
Nang makapasok siya ay inistart ko na ang sasakyan at pumunta sa alam kong restaurant na lagi naming kinakainan.
"Bakit tayo nandito?" Tanong nito.
"Kakain." Simpleng saad ko rito.
Nakita ko naman itong umirap sa kawalan, at nag lagay ng earphone sa tenga.
"Busog pa ako." Sabi niya habang naka pikit, napa iling na lamang ako rito at 'saka bumaba ng sasakyan.
Bumili ako ng Dalawang order ng Makakain namin at 'saka bumalik sa sasakyan nakita ko naman itong mahimbing na natutulog, gusto ko mang gisingin dahil hindi ko alam ang daan papunta sa condo ko ay di ko magawa dahil ang himbing ng tulog nito.
Pinag masdan ko na lamang itong matulog at tila'y nakaramdam ito kaya bigla siyang dumilat at diretsong tumingin sa akin. Napa iwas na lamang ako ng tingin at itinuon sa daan, sinimulan ko nang paandarin ang sasakyan patungo sa pupuntahan.
"May binili akong pag kain jan kumain ka muna." Anya ko.
Ngunit naka tingin lamang ito sa salamin at pinagmamasdan ang buhok niyang kulay Brown hanggang bewang ito kaya nagmukhang Maamo ang mukha niya.
"Punta muna tayo nang Mall, Zion." Agad akong napa tingin rito ng banggitin niya ang pangalan ko.
Bakit ang hot ng pagkasabi niya?
"Ituro mo nalang sa akin kung saan ang daan." Saad ko rito.
"Sa Sm North tayo, alam mo ba yon?" Tanong nito at agad naman akong na patango.
Nang makarating sa sinasabi nito ay agad na akong nag park at bumaba, Nakatingin lang ito sa akin ng bumaba ako ng sasakyan.
"Mag papagupit ako sasama ka? Boring doon." Sabi nito.
BINABASA MO ANG
Unwritten Destiny (Completed)
De TodoJounalism Series #1 Completed Genre: Romance/Mystery/Tragic Samantha Pein Ramirez was a Journalist, who happened to be involved on a Bomb explosion. After a month she wake up in a Hospital, and can't remember her own name. And there's a woman saying...