THE REALITY
Im watching those videos that continues spreading on my youtube app—end of the world.
Minsan nakakabanas at di talaga maiwasang di matakot sa mga ganitong video, bakit ba puro ganito ang lumalabas bawat scroll ko.
Dahil sa curious ako I wasted my time watching these videos.
"Hoy angelika!"
"Ay kabayong buldat!" Sigaw ko dahil sa gulat, "Ano ba naman Naomi."
"Alam mo pag ako pumasok sa utak mo maliligaw ako." Sabat nito sabay kagat sa apple na hawak niya tinaasan ko naman siya ng kilay, anong konek? "Ang lalim ng iniisip mo eh, ang lawak. Ano nabang ganap sa weirdo kong kaibigan?" tanong nito.
I rolled my eyes syaka sumilip sa phone ko, bumalik tuloy sa utak ko yong about sa end of the world.
"What if patay na talaga tayong lahat? What if nag end na yong mundo natin noon?" Sunod sunod na tanong ko.
Napahinto naman siya paglamon ng kinakain niya, "Teka nga." Usal niya syaka napaawang ang bibig, "Diba ito yong Planet Nuebiro na dapat tatama sa mundo natin nong December 21, 2012."
Dahan dahan akong tumango at isiningkit ang mga tama ko.
"Napag isip isip ko kasi pano kung patay na tayo? Kasi pano makakaiwas yong planeta na iyon sa atin? Nasa porgatoryo naba tayo? Dahil sobrang umiinit ang mundo, lumalaganap ang gulo't kasamaan ng mga tao. Hindi nanaig ang kabutihan." nakababang tanong ko.
"Ang weirdo mo talaga, Angelika. Dapat hindi Cortez apilyedo mo eh kundi Corny. Wag ka nga mag over think dyan, nakakaloka!" sumbat nito syaka pinaypay ang sarili gamit ang daliri niya.
Huminga ako ng malalim at tumayo, napaparanoid nanaman ako. I need to take rest kaya naman nagpaalam na ako kay Naomi at sa magulang niya na uuwi nako't tutal tapos naman na ang group project namin.
Habang pauwi ako patuloy padin sa pagtakbo ang mga iyon sa utak ko, nasisiraan na ata ako ng bait.
Pagkapasok na pagkapasok ko ng bahay inalok agad ako nila mommy na kumain but I refuse wala akong gana gusto ko nalang magpahinga. Mabigat ang pakiramdam ko.
"Do you wan't to know the reality?" mala demonyong tanong ng isang babaing itim ang mata at nakauniform katulad ng uniform namin noong elementary.
Wala sa sarili akong sumunod sa kaniya, sa bawat sulok ay maraming patay na tao. Umiiyak at humihingi ng tulong, may tumatawa na tila nababaliw. Nasusunog at meron ding naghahanap ng pamilya nila.
"Bakit ganito yong paligid?" Tanong ko sa babaeng kasama ko.
"This is the reality, hindi to imahinasyon o simpleng panaginip lang. You already died." Sambit nito at humaharap sakin, "Look around, nasira ang buong mundo puro apoy at kadiliman ang makikita mo. Porgatoryo ang tawag dito." Pagpapaliwanag nito sabay turo sa isang batang kumakain ng mansanas habang nakataas ang paa sa mesa.
Na-Naomi?
Lumapit ako sa kaniya at kamukhang kamukha nga siya ni Naomi.
"Pawang ilusyon lamang ang nakikita mo sa araw-araw na pamumuhay mo, THIS IS THE REALITY. Walang naka salba ni isa, kahit ang mayayamang tao. Namatay tayo dahil sa Planet Nuebiro." Sunod sunod na sabi nito.
Nanlamig ang buong katawan ko. It's quiet creepy. I can't help my self not to feel nervous.
Humarap uli siya sakin at mas uminit ang pakiramdam ko, parang pasan ko ang mundo.
"Hindi mo ba ako nakikilala? Hindi mo ba kilala ang sarili mo!?" Pasigaw nitong tanong syaka lumakas ang hangin at nagsilipadan ang apoy na dumadapo sa balat ko.
Napatingin ako sa ID niya.
Angelika Grace Cortez
"This can't be!" Sigaw ko sa kaniya, "Hindi pa ako patay! Sinungaling ka!"
Matapos kong masabi ang mga katagang iyan ay may biglang nag flashback sa mga mata ko, pinakita nito ang paurong kong pag tanda at kung pano masira ang mundo na hindi nakikita ng mga tao gamit ang dalawa nilang mata.
Tama nga siya—tama ako.
THIS IS THE REALITY.
YOU ARE READING
A book of one shot stories
RandomLahat ng posted one shot stories ko sa aking pen account (Eon Wrex) ay tinipon ko rito. Enjoy reading : )