DIVING DEEP WEB/DARK WEB
"Xia, dive tayong deep web to dark web." Tinignan ko ng masama si Lyla. Ano ba naman kasing klaseng tao 'to. Alam naman na mapanganib don.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Lyla dika ba natatakot?" Tanong ko at bumalik sa panunuod ng Kdrama sa loptop ko.
Naramdaman ko siyang umupo sa tabi ko. "Bakit ako matatakot? Mag da dive lang naman tayo di naman tayo mangingialam. Please? Dive na tayo." Pag mamakaawa niya sakin. Kong diko lang siya pinsan 'e, pero sa bagay mag da dive lang kami hindi kami mangingialam.
"Sige. Tutal curious din naman ako sa deep web at dark web nayan 'e. Pero dive lang ah? Wala ng paki pakialaman ng andon." Paninigurado ko, pasikot sikot din kasi kamay nito 'e. Kong ano pinipindot pindot.
"Sige sige." Lyla.
Kasalukuyan kaming nag da dive ngayon sa deep web, gusto ko talaga mag dive dito para malaman namin ang katotohanan. Ano nga ba ang nasa likod ng misteryosong deep web at dark web?
"Xia tignan moto!" Kaya agad agad ko namang tinignan ang sinasabe ni Lyla. Wala naman kasi kaming nakikitang kakaiba kanina 'e. Basta creepy siya.
"Ano yan?" Sabay turo ko sa screen ng loptop ni Lyla.
Andami kasing picture ng mga taong puro patay, yong iba putol ang ulo, tas may naka sabit na mga tao na wala ng damit at wala nading buhay. Meron din yong isang kinakatay na parang hayop Or what so ever basta nag sisimula na akomg kilabutan at matakot.
Di ako singot ni Lyla, basta nalng siya nagpipindot pindot ng kong ano ano. "Lyla, ano ba? Baka delikado dyan!" Halos pasigaw ko ng sabe sa kanya at nag simula ng umiyak.
Ayoko na. Nag takip ako ng mata ko dahil natatakot nako.
"Walang mangyayare. Ako bahala Xia." Sabe ni Lyla at nanuod ata ng video. Diko masigurado dahil nakatakip ang mata ko.
3 days nadin ang nakakalipas ng mag dive kami sa deep web at dark web. Hindi ko alam kong ano bang meron don, dahil si Lyla lang naman ang nag operate ng loptop.
Habang nag fi facebook ako nakakaramdam ko ng weird na awra, parang may nakatingin sakin at nakikinig. Ang creepy. Basta diko mapaliwanag. Natatakot ako.
"XIAAA!" Napatingin ako sa punto ng kwarto ko.
"Tita?" Lumapit ako sa kanya at bigla niya akong niyakap. Umiiyak si tita, siya ang mommy ni Lyla. "Bakit ka umiiyak tita?"
Nakamaramdam nako ng panlalamig. Wag naman sana please God.
"Nawawala ang pinsan mo, Nawawala si Lyla. Kagabe pa siya di umuuwi. Diko na alam gagawin ko." At tuluyan ng himagulgul sa iyak si tita.
No. No way.
Pauwi nako ngayon galing school. Hanggang ngayon wala pading balita tungkol kay Lyla. Ayokong isiping dinakip siya ng mga kasapi ng deep web o ng dark weeb.
May humintong van sa harap ko, dahil sa kalutangan ko diko na alm ang nangyayare.
"Ugh." Inda ko ng maramdaman ko ang hapdi ng pisnge ko.
Iminulat ko ang mata ko, nasan ako? Nasa madilim akong kwarto. Wala akong nakikita kundi kadiliman. Aalis na sana ako ng mapagtanto kong nakatali ako.
"TULONG! TULONG!" patuloy lang ako sa pag sigaw ng tulong umaasang sana may tumulong sakin.
Ilang sandali palang ay may narinig akong yapak ng paa ng mga tao na mukhang pumapalibot sakin.
Natatakot ako sobra kaya diko maiwasang umiyak.
Bigla nalang bumukas ang ilaw, ang una kong nakita ay mukha ko sa salamin. Punong puno ng sugat ang mukha ko pati katawan ko. kaya mas lalo akong umiyak.
Inilibot ko ang mata ko, andaming mga patay na tao. Pugot ang ulo walang kamay, ito yong picture na nakita namin ni Lyla. Gusto kong sampalen sarili ko para magising sa katotohanang hindi ito totoo, pero pano? Totoo 'to. Tangina.
Pero isa ang mas nakaagaw ng pansin ko. Si lyla, nakahandusay sa sahig at nag hahabol ng hining.
"LYLA! PAKAWALAN NIYO KAMI DITO! LYLAA!" sigaw ko. Umaasang pagbibigyan nila ako.
"Hahahaah isa lang makakalabas ng buhay sa inyong dalawa, at ikaw yon kong gagawin mo ang iuutos ko." Mala demonyong usal ng lalaking may hawak ng baril.
Pinaliwanag niya ang dapat kong gawin, ayoko man pero kilangan para di madamay ang pamilya namin ni Lyla. Kilangan kong katayin si Lyla kapalit ng buhay naming lahat.
Tinignan ko si Lyla. Tumango siya sakin. "I-m s-o-orry Xia. Sige, g-gawi-n m-un-na."
Diko kaya. Ayoko. Pero kilangan.
Dahan dahan akong lumapit kay Lyla at ginawa ang diko dapat gawin.
IM SORRY LYLA.
YOU ARE READING
A book of one shot stories
De TodoLahat ng posted one shot stories ko sa aking pen account (Eon Wrex) ay tinipon ko rito. Enjoy reading : )