ML; MOBILE LEGENDS—MALANDING LARO
"Caren, anong pangalan mo sa ML?" Tanong ni loves—este Steve sakin habang nag titipa ako sa cellphone ko.
Tinignan ko siya saglit syaka ngumiti, syempre dalagang filipina, "Iloveyou," Sagot ko.
"Ha?"
"Iloveyou." Natatawang ulit ko.
"Ano nga?" Inis niyang bulaslas sabay padyak ng papa niya, enebe.
Bahagya akong tumawa, "Iloveyou nga," sagot ko.
"Ah iloveyou?" Tanong niya syaka nag tipa sa cellphone niya, sinisearch na siguro niya.
Napangiti ako sabay bulong ng, "Iloveyoutoo."
"Ha? Anong sabe mo?" Tanong niya kaya di ako umimik at umiling nalang, "Saan dito?" Tanong niya sabay harap sakin ng cellphone niya, sinearch nga niya.
"Pft hahahaha, wala akong acc sa ML, app lang." Natatawang sagot ko sa kanya sabay halagakpak ng sobra.
One point, Caren!
"Bibigay ko sayo isa kong acc, Epic lll na'yon," sabi niya syaka kinuha cellphone ko sa kamay ko at may kung ano anong pinindot.
Tumayo ako syaka lumipat sa kanya ng konti, bangooooOooOo!
Sinilip ko ginagawa niya, nag la-log-in pala siya sa ML ko.
"Oh ayan tapos na, laro tayo," alok niya syaka hinila ako papuntang labas.
Hinawakan niya kamay ko!!!
"Pano mag laro?" Tanong ko nong ininvite na niya ako.
Tumingin siya sakin, "Ha?"
"Hakdog ka!" Sigaw ko sa kanya syaka binato siya ng bato na asa tabi ko.
"Hahahaha halabeo." Sagot niya syaka bumalik ulit atensyon niya sa phone niya.
One point for Steve!
Malandi din pala.
'Halabeo too,' sabe ko sa isip ko.
Nag start na ang laro at sinabe niyang sumunod lang daw ako sa kanya para daw ligtas ako, pano ba mag laro?
Puro ako pindot 'e, pero nakaka adik din pala, hindi ML kundi siyaaaaa hahaha.
Lahat kami naka open mic kaya rinig ang mga ingay sa bawat isa.
"Bobo ng Miya natin." Usal ng isa sa mga kakampi namin.
"Sino si Miya?" Tanong ko agad.
"Ikaw." Sagot nong isa.
"Tangenanyo mag tigil kayo, mga buraot puro naman cancer!" Sigaw ni Steve habang tumatawa, u make my heart melt, enebeee.
Tumingin siya sakin syaka kumindat at sinabeng sunod lang ako sa kanya.
Natapos ang laro na panalo kami, syempre yong bebeluvs—este si Steve ang MVP kala ng mga yon!
Lumipas ang maraming linggo na palagi kaming nag lalaro ng ML tuwing may free time kami, ewan ko ba nakaka adik kasi si Steveee hahahaha
"Steve!"
"Oh?"
"Ayoko ng rank mo, gusto ko mythic!" Malakas kong sabe syaka humagalpak ng tawa.
Napataas naman kilay niya, "huh?"
"Mythicman kaaAaaAa," sagot ko sabay peace sign.
Napangisi naman siya sabay sabing, "Sige, mag-hintay kalang road to mythic na'ko."
"So matitikman kana ni Caren?" Natatawang pang aasar ng mga kaklase namin.
Tumango naman siya, "Oo, kahit araw arawin pa niya," sagot ni Steve kaya naman namula ako.
Lumapit ako sa kanya para sana batukan siya ng biglang—
"Good morning ma'am, welcome to grade 4 Sunflower!"
YOU ARE READING
A book of one shot stories
RandomLahat ng posted one shot stories ko sa aking pen account (Eon Wrex) ay tinipon ko rito. Enjoy reading : )