UMUWI KANA BABY
11:43 pm/November 24, 2018
"Arggg." Hikab ko pagkagising ko, unti unti kong minulat mata ko.
Naiihi ako, buset.
Nilinga ko ang pintuan ng kwarto, malumanay itong naka sara.
Nag hintay ako ng ilang mga minuto bago sipagin na tumayo at pumuntang cr.
"Pre shomat ka muna hahahaha~" kantahan ng mga kabataan na lasing na sa labas.
Napailing nalang ako, 11:43 pm na kaya. Wala bang Curfew dito?
Psh, ang lakas ng pag kanta ng babaeng halatanh lasing na dahil sa boses niya.
Nasa Laguna kasi kami, kasal ng aking pinsan kaya bumyahe kami mula sa bahay hanggang dito.
Binukas ko ang pinto ng cr at umihi.
"Dahil ikaw lang ang pumapawi sa mga luha~"
Napahinto ako sa kakalikot sa phone ko dahil sa boses nayon.
I love his voice, ito yong kantang kuhang kuha niya atensyon ko. Musikang hinahanap hanap ko.
"Umuwi kana baby, dina ako galit. Mahirap ang nag iisa~"
Diko mapaliwanag pero shet, i keep on smiling dahil sa boses niya at sa kanya kahit na diko alam kong sino ba ang kumakanta.
Pinindot ko ng pinindot ang phone ko at nirecord mula dito sa cr ang boses niya.
Masyado akong nawiwili sa boses ng taong 'to. Ewan koba.
Lumabas ako ng cr at dumiretso sa labas, ang hangin ang sarap ng hangin.
May naririnig akong nag dadausus kaya naman inumpisahan ko ng kabahan.
"May tao ba dyan?" Tanong ko kahit diko alam kong may sasagot.
"Hahaha. Epic ng mukha mo, nakakatakot ba?" Tanong ng isa sa mga kabataang nag iinuman don kanina. "Kanina kapa ba?" Tanong ulit niya, diko siya ka close at lalong lalong diko siya kilala.
Umiwas ako ng tingin kaboses niya yong kumanta kanina.
"Sam nga pala, ikaw? Ms?" Pag papakilala niya.
Kuya anong apelyedo? Charot.
"Ah eh, im Andy." Sagot ko at ngumiti kahit nag mukha ng ngiwi.
"Nice to meet you." Sam.
"Nice to meet you too, Sam." Ako.
Nah shake hands lang kami na umabot ng 20 seconds i think? Ang awkward.
"Woahhh, Sam? Kanta kanaaa tangina mooo tara na ditoooooo." Tawag naman ng isang lasing na lalake kay Sam gamit ang mic.
Napatingin kami don sa kinaruruonan nila at naka tingin silang lahat samin, epic nga buset.
"Tara na dito, ms sali kana dito oh." Sabe ng babae at winagayway ang shot glass.
"Sasama ka?" Tanong ni Sam sakin, ayoko sana kaso.... bahala na.
_____
"Umuwi kana baby~ dina ako galit~ mahirap ang mag isa~" kanta niya, naka pikit pala siya pag kumakanta.
Ang swabe niya tignan. Mukhang sanay na sanay na sa kantahan.
Hmmmmm.
__________
November 25, 2018. 6 am.
"Umuwi kana baby. Dina ako galit. Mahirap ang nag iisa~"
Diba natutulog tong Sam nato? Ano ng oras ako naka balik ng kwarto dahil sa sinamahan kopa sila don.
Mababait din naman pala sila.
Ginawa kona ang morning rituals ko at lumabas ng bahay.
Una saking bumungad ay si Sam dahil nag kasalubong kami sa pintoan.
"Good morning." Bati niya at naka ngiti.
"Good morning too, di kayo natulog?" Tanong ko.
Tumawa siya. "Natulog. Hahaha. Sige, kuha lang ako plato napag utusan ni tita 'e." Tapos tumango ako habang tinatahak ang mga pinsan ko.
_____
Sam Wency De Leon sent you a friend request.
YOU ARE READING
A book of one shot stories
RandomLahat ng posted one shot stories ko sa aking pen account (Eon Wrex) ay tinipon ko rito. Enjoy reading : )