TIME TRAVELLER

72 2 0
                                    

TIME TRAVELLER


"Mainit at nag babagang balita, isang lalaki na mula umano sa hinaharap o kung tawagin ay isang time traveller ay nasa puder at pangangalawa ngayon ng PNP,"  Nagpintig ang dalawa kong tenga ng marinig ko ang balitang iyon.

Totoo?

Agad akong nag online para i-chat ang kaibigan ko tungkol dito, marami kasi yong sources baka may alam siya tungkol dito.

Nagpatuloy ang usapan namin ni Cassie habang napupuno ang newsfeed ko ng mga balita tungkol sa Time Traveller na ito, maraming nagsasabi na totoo ito marami ding nagsasabi na hindi.

Kinabukasan ay patuloy padin sa pagtatanong sakin si Cassie tungkol sa Time Traveller na iyon.

"Hoy Marga, totoo ba talaga yong Time Traveller?" Tanong sakin ni Cassie, nag kibit balikat naman ako.

Dunungaw ko siya mula sa bintana syaka napanguso, "Malay ko, ilang beses ka ng nag tatanong sakin ah," sagot ko syaka binalin ang tingin at atensyon ko sa cellphone ko.

Hay nako Makoy, kilan mo ba ico-confirm ang friend request ko sayo?

"Makoy nanaman, jusko Marga," Sabi ni Cassie syaka umiling iling.

Diko nalang siya pinansin at nagpatuloy nalang sa pag i-stalk kay Makoy. Sana talaga makausap ko yong Time traveller para matanong ko kung ma-a-accept ba ni Makoy friend request ko sa susunod na mga taon.

Habang nanunuod ako sa bahay kasama si mama nag flash nanaman sa TV namin ang balita tungkol sa Time Traveller na ito na kinasindakan ng karamihan.

"Nagbabaga at nagliliyab na balita, ang naturang Time Traveller ay nakatakas mula sa puder ng ating mga kapulisan. Naglabas narin ng malaking pabuya ang gobyerno sa makakapag balik o makakapag turo sa Time Traveller na ito. Tawagan na lamang ang numerong makikita sa inyong screen upang ma-contact ang mga pulis ukol dito."

Napataas ang isa kong kilay dahil sa balitang iyon, ilan kaya pabuya? 1 million? 1 billion? 

"Hay nako, sana maligaw yang Time Traveller na iyan para naman makaahon tayo sa buhay," bulaslas ni mama syaka nagpatuloy sa pananahi.

Nagpatuloy nalang ako uli sa pag i-scroll sa cellphone ko ng biglang makarinig kami ng katok, si tatay na siguro yan.

"Nak pag buksan mo papa mo," utos ni mama.

Tumayo ako para buksan ang pintuan namin pero hindi si papa ang iniluwa at nasilayan namin ni mama sa pintuan kundi ang Time Traveller.

"Good evening Miss, can I come in?" Nagmamadaling usal nito kaya naman literal akong napa oo.

English speaking.

"Anak! Yan yong time traveller, mayaman na tayo!" Sigaw ni mama kaya naman bigla kong tinakpan bunganga niya.

"Baka marinig tayo ng kapit bahay ma," bulong ko.

"You are?" Tanong ko sa kanya syaka nag offer na maupo siya.

"Im Noah, came from future year 2030," sabi niya syaka nag tanggal ng coat niya.

"Weh?" Di makapaniwalang usal ko.

"What?"

"Wala, ang sabi ko Did my crush accepted my friend request I sent to him?" Lokong tanong ko, kunwari naman alam niya.

"You mean your husband?"

A book of one shot stories Where stories live. Discover now