KABATAAN ANG SALOT SA BAYAN

29 0 0
                                    

KABATAAN ANG SALOT SA BAYAN

Ano ba itong mga ito? Mga salitang banyaga at sulat banyaga. Napaka sakit sa mata. Bakit itong mga librong 'to ang karamihang laman ng silid aklatan at hindi mga Pilipinong libro?

Nag lakad ako papuntang dulo ng silid aklatan at tinignan ang mga nakahanay na makakapal na libro rito. 'How to learn korean language' ang karamihang mapamagat ng mga libro.

Napailing ako dahil sa pag ka-dismayado. Ang aking bansang pinaglaban ay tuluyan ng nasakop ng mga kalaban.

Nilinga ko ang paningin ko at nakita ang mga librong..... librong gawa ko ang Noli Me Tangere at iba pa. Punit punit ang mga pahina, walang kaayos ayos at maraming sulat kamay na diko maintindihan.

Unti unti kong inayos ang mga ito at niyakap ng mahigpit. Ginagamit pa kaya ang mga 'to?

Wala na, ang bansang pinaglaban ko ay tuluyan ng nawawalan ng pag asa.

Lumabas ako ng silid aklatan at nag lakad sa pasilyo ng dati kong eskwelahan, andaming pinag bago lalo na ang mga estudyanteng nag aaral dito.

"Waiting for your anpanman~ aleyxmvlpabeyxbsjkwlwhd~"

Kanta dito kanta doon ng mga estudyante na diko naman maintindihan, anong nangyayare Pilipinas?

"OMG! I exo you. Saranghaeeee i love youu. Te amoo sobra sobra. Kamsahamnida."

Iyan ang sigaw ng babaeng 'to na kong manamit ay akala mo isang bold star. Labas kaluluwa, kilala pa kaya nito si Maria Clara?

Lumapit ako at tumabi sa babaeng may hawak ng kong ano mang teknolohiya.

"Maari kobang malaman ang tawag sa bagay nayan, ija?"

Tanong ko sa kanya sabay turo sa hawak niya.

Inayos niya ang salamin niya sa mata at nag salita.

"This is phone."

Walang ganang sagot niya. Nasan ang po at opo?

"Girl let's go na. The program will be start na kaya. You are so tagal tagal dyan." 

Reklamo naman ng isang babae sabay hila sa babaeng busy kaka dotdot sa phone kuno.

Anong klaseng programa kaya?

"Putang ina mo dre. Hahahaha."

"I love you too pare!"

Napatingin ako sa mga kalalakihang nag mumurahan at nag tatawanan.

Ganito naba ang salita ngayong panahon para ipahayag ang salitang 'mahal kita'. 

Mga kabataang pag asa ng bayan, ay siyang salot ngayon sa bayan.

Minabuti ko nalang sundan ang mga taong nag kukumpluan at nag uunahan pumasok sa isang silid.

Tumayo ako malapit sa pinto at taimtim na nakinig. Nakakatuwa ang sinasabe ng lalakeng 'to.

"Sabe nga ni Gat' Jose Rizal, ang kabataan ay pag asa ng bayan. Pero nasan ang mga kabataan? Nasa kanto nag iinuman na may kasamang pulutan. Mga salot kayo sa bayan.

Alam niyo ba ang tuwid at nararapat na pag gamit ng nang at ng? Ng raw at daw?

Nagagamit niyo padin ba ang po at opo sa nakakatanda sa inyo?

Eh ang mga likha ni Dr. Jose Rizal nabasa niyo nabat napag aralan? Eh puro wattpad ang inyong binabasa na may pamagat na How to learn korean. Mga storyang wala namang aral na napupulot. Puro landian at sexual na basahin. Tanga naba kayo?

Para sa mga babae, kong makapag damit kayo akala niyo kayo si Mia Khalifa wala nabang babaeng natitira na mala Maria Clara?

Eh si Balagtas kilala niyo paba? Si Lola Basyang na akala niyong babae pero hindi pala.

Mga bayaning nag buwis ng buhay para lang mabigyan tayo ng kalayaan at nag bigay satin ng magandang alaala, mga ala-alang pilit niyong pinapalitan ng kabastusan."

Wala akong masabe sa mga inuusal ng lalakeng 'to. Kong lahat sana ng kabataan ay katulad niya.

A book of one shot stories Where stories live. Discover now