HAPITOT NG ISANG MABANTOT
"Manong bayad po," sabe ko sabay abot ng bente pesos sa katabi kong lalaki para iabot nya rin sa harap papuntang driver.
Binuksan ko ang cellphone ko syaka nag tipa, binuksan ko facebook at messenger ko andami kasing unread messages.
Lumipas ang ilang minuto, napapansin kong yong lalaking katabi ko ay pasimpleng nakatingin sa cellphone ko at nag babasa ng chats ko.
Kaya naman umusog ako ng kunti para sana magkaroon ng privacy sa pag cha-chat.
Tumingin ako sa driver ng naisip kong wala pa akong sukli sa bente ko.
"Manong yong sukli po sa bente?" Tanong ko syaka pinatay ang cellphone ko.
Tumingin siya sa salamin syaka inabot sakin yong sukli kong dos.
Binuksan ko uli ang cellphone ko at umaasang hindi na siya sisilip sa ginagawa ko sa cellphone ko.
Jeschell Plocios: iloveyou po
Chat ko sa ate ko—alangan naman sa shota ko, wala nga kayo e di wala din ako.
Nakarinig ako ng pag ehem ng lalaking katabi ko, akala ko hindi na siya naka silip pero mali ako.
Kaya naman may mabantot na kalokohan ang pumasok sa utak ko.
Nag type ako ng, 'Nauutot ako, paniguradong mabaho 'to dalawang linggo pa naman akong walang tae.' tapos pinindot ko ang arrow sa messenger para mag send.
Tignan natin lakas mo kuya.
"Para po!" Mabilis na sigaw ni kuya sa driver syaka mabilis na umalis sa kinauupuan niya.
Tumingin naman ang driver sa kanya, "Akala ko ba sa Kanto Malantod pa bababaan mo?" Tanong ni manong driver.
"May pasabog," sagot ni kuya na katabi ko kanina at mabilis na umalis ng jeep.
Success!
Agad naman akong nag type ng, 'Joke lang HAHAHA' syaka sinend kay ate habang pasimpleng tumatawa.
Iyan ang hapitot ng isang mabantot.
YOU ARE READING
A book of one shot stories
RandomLahat ng posted one shot stories ko sa aking pen account (Eon Wrex) ay tinipon ko rito. Enjoy reading : )