SUHOL

16 0 0
                                    

SUHOL


Matatamis na salita nang mga politiko
Na akala nang lahat totoo

"Ipapagawa ko ang kalsada nang inyong lugar."

"Magpapatayo ako nang mga buildings sa bawat eskwelahan."

"Tututukan ko ang mga kabataan."

"Ako ang sandigan nang mga kababaihan."

"Makakaasa ho kayo na pag ako ang nanalo ang aking serbisyo'y walang bahid nang panloloko."

Sinasamantala nang politika
Ang kahirapan nang masa
Upang makapag bigay nang suhol na pera
Para sa mga taong walang wala

"****** for Governor. Isang libo ang ibibigay nito, kaya dapat mong iboto."

"******* para Vice Governor, 500 naman 'to. Iboto mo 'to kung hindi hmmm alam mo na."

"Si madam ***** iboto mo, 300 ibibigay nitong suhol. I vote nyo para board member nang distrito nyo."

"300 kay ****** wag mo kakalimutan sa halaan para congressman."

"Mayor ** Iboto mo sa eleksyon, oh hito 1000."

"Ibalik mo ito sa serbisyo, re elect ****** para konsehal nang ating bayan, hito ang 500."

Pag sapit nang halaan
Iba ang pinag laban

"Si ****** ang ibinoto ko pre, nag bigay nang isang libo 'e."

"Sakin din pre, syaka si Mayor ** isang libo din 'e."

"Sa councilor ang ibinoto ko iyong nag bigay nang mga pera."

"Dina ako nag vote aksaya lang yan nang oras, may mananalo naman kahit na hindi ako mag boto. Ang mahalaga naka tikim ako nang suhol."

"Si ****** ang binoto ko para governor."

Mga kandidatong sumuhol sa mga tao
Nadeklara na bilang nanalo
Unang taon bilang panalo puro pasarap
Kurap ng pera ng walang kahirap hirap

"Nasan na ang asenso na ipinangako nang mga politiko?"

"Nasan na ang maayos na daan na isa sa mga plataporma nila?"

"Nakaupo na sila pero wala pading building ang eskwelahan namin."

Kasalanan ng mga tao
Kaya ang pangakoy napako
Dahil silay nag padala sa kahirapan
Dahil hindi maiwas iwasan

Saan napunta ang kaban nang bayan?
Sa mga mamayanan?
O sa bulsa ng mga gahaman?

ANG IYONG BOTO AY MAHALAGA, HINDI MAY HALAGA

A book of one shot stories Where stories live. Discover now