CONSISTENT
Pinili ko si Sean over Tristan and here I am umiiyak sa bisig ni Tristan.
"Sige lang Hannah, ilabas mo lang." Sabi niya syaka hinaplos ang buhok ko.
I continue crying, humahagulgol nako sa bisig ni Tristan, taimtim lang siyang nakikinig sa mga hinaing at hinanakit ko.
"You know what, you are too precious para iyakan ang bwiset na iyon." Kumento nito at hinarap ako sa kanya, "Ganito nalang, anong sabi ni Sun nong may nakita siyang mag jowa?"
Napataas naman ang kilay ko syaka pinunasan ang mata ko, "SUNna all?" Sagot ko.
At itong si Tristan naman ay humagalpak sa tawa, napailing nalang ako. Gasgas nayang linyang yan.
Tumigil naman siya sa pag tawa nong nakita niya akong di natawa, "Oh bat hindi ka natawa?"
"Your joke is too corny, waste of time lang pagtawa ko."
"Hey, Im doing my best to make you laugh pero di bale na, meron pa akong isa." He said with a serious tone, huminga siya ng malalim, "Anong dapat kantahin ni Selena Gomez sa kasal ni Justin Bieber sa ibang babae?"
"Ano?"
"That should be me." Seryoso niya pading sagot syaka nag mura, "Ako dapat yong iniiyakan mo sa tuwa at kilig Hannah at hindi ang tarantadong yon habang nagluluksa't nasasaktan ka. I told you noon palang na ako nalang, e di sana hindi ka nasasaktan." He said, I can feel the anger in his eyes.
"Im sorry, Tristan. Nangyari na eh, hindi na maibabalik at mababago." Syaka tuluyan nanamang umagos ang mga luha ko, ang sakit sakit.
Tama nga sila na sa isang desisyon mo ngayon o noon may kaakibat na kapalit ngayon o sa hinaharap—and this is the result.
"Bullshit! He hurt you! Kung hindi na siya masaya at pagod na siya eh di dapat binalik kana niya sakin, hindi yong mahuhuli mo siya mismong nakikipag lampungan sa mga kung sino sino." Puno ng galit at inis ang tono niya, "Naaalala mo paba kung ano yong sinabi ko sayo bago mo siya sagutin at piliin over me?" He asked.
And I said yes.
"Im still into you, Hannah. Im still here ups and downs at ngayong may pag asa nakong maging akin ka andito padin ako. Pwede mokong gamitin para makalimutan siya."
"Pero...."
"Wag ka ng umangal, ayokong nakikita kang nasasaktan. Use me to move on. Use me to forget him. Use me and see my worth para sa ganon ako naman mahalin mo." Sabi niya at niyakap ako ng mahigpit.
YOU ARE READING
A book of one shot stories
RandomLahat ng posted one shot stories ko sa aking pen account (Eon Wrex) ay tinipon ko rito. Enjoy reading : )