Bata palang ako mahilig nako sa musika, sabe ng iba namana ko raw ang pagiging mahilig din ni papa sa musika.
Sa katunayan sobrang saya ko sa tuwing nakakarinig ng mga kanta at tugtug ng mga instrumento.
Pero tutol dito si mama, ayaw niyang nakakarinig ng tugtog ko kaya naman di ako tumutugtog sa bahay. Pumupunta ako ng church, plaza, o kung saan saan pang lugar kasama ang ukulele ko.
Bukas ay kaarawan na ni mama pero hanggang ngayon dipa din siya umuuwi, mag iisang linggo na.
Siguro busy lang sa trabaho ayan ang laging nasa isip ko.
Kaya minabuti kong pag aralan yong paborito nyang kanya, tipa ng ukulele dito tipa ng ukulele doon.
Dumating ang kinabukasan pero walang mama na dumating.
Lumipas pa ang ilang araw pero ni anino niya wala akong nakita.
Sa sobrang lungkot na nadarama ko, inayos ko ang tono ng aking instrumento at sinimulang tumugtog.
"I was afraid this time
would come I wasn't
prepared to face this
kind of huryin' from
within I have learned to
live my life beside you
Maybe I'll just dream
of you tonight and if
into my dream you'll
come and touch me
once again." Tumutulo ang luha ko habang kumakanta kaya parang mapakla ang aking boses.Sa bawat pag strum ko sa ukulele ko nawawala ang lungkot na nararamdaman ko, sa bawat labas ng mga lyrics saking bibig para akong nasa langit, pakiramdam ko nga para akong nasa sarili kong concert habang nasa harap ng madaming tao.
Tumigil ako sa pagkanta ng biglang kumalabog ang pinto ng bahay.
Si mama.
Dali dali kong tinabunan ng kumot ang ukulele ko, ayaw na ayaw kasi ni mama na makita ang ukulele ko. Para siyang may sama ng loob sa musika.
"Pilar!!! Lumabas ka nga dyan sa kwarto mo!" Sigaw ni mama, kaya nag madali akong lumabas.
Ngunit naka abang na siya sa may pintuan ng kwarto ko, may dalang walis tambo at gunting.
"Mama, belated happy bday------"
Diko nagawang tapusin ang pag bati ko sa kanya ng itulak niya ako sanhi para mapaupo ako sa sahig.
Agad na nag tungo si mama sa kama ko at hinalungkat ang ukulele ko.
Tumayo ako nv mabilis para sana kunin sa kanya ang ukulele ko pero huli na dahil hinablot niya 'to at natama sa pader ng kwarto ko sanhi para magkabasag ang instrumento ko.
Nag sisimula ng tumulo ang mga luha ko, tatlong taon akong nag ipon para sa ukuleleng yan. Pinag hirapan ko yan.
"Ilang beses ko bang sasabihin sayo Pilar na ayaw na ayaw kong nakakarinig ng pag tugtog mo!?" Galit na sigaw sakin ni mama syaka pinav hahampas sa pader ang ukulele ko.
Mas lalong nangibabaw ang iyak ko ng makita kong sira na siya, sira't bali bali na ang katawan ng ukulele ko.
"Bakit ba ang kulit kulit mong bata ka!? Manang mana ka sa tatay mong masahol pa sa ahas!" Sigaw pa niya syaka pinag gugupit ang mga string ng ukulele ko.
Mas bumuhos ang luha ko ng itinapon ni mama ang ukulele ko sa akin sabay alis sa kwarto ko.
Mahigpit kong niyapos ang ukulele ko habang umiiyak.
YOU ARE READING
A book of one shot stories
RandomLahat ng posted one shot stories ko sa aking pen account (Eon Wrex) ay tinipon ko rito. Enjoy reading : )