THE NIGHT
Ito talaga ang pinaka ayoko sa lahat, ang pag sapit ng gabi.
Diko alam pero feeling ko may kakaiba sa bahay na'to simula ng mamatay ang mga magulang ako dahil sa car accident.
Every night lagi nalang ganito ang nararamdaman ko, nanginginig natatakot at nanlalamig. Tipong halos mapuyat nako gabi gabi kakabantay at kakapakiramdam sa paligid kong ano ba talaga.
Pinabindesyonan kona tong bahay kay father kanina, pero bakit ganito padin ang nararamdaman ko? Doble---este triple ng nararamdaman ko noon ang nararamdaman kong takot at pangamba ngayon.
Diko alam kong ano ang gagawin ko, pero siguro dahil lang sa bindesyon yon ng padre.
Mas maganda pa sigurong mag pahinga nako't maaga pa pasok ko bukas.
Pinatay ko ang ilaw dito sa kwarto ko at nahiga sa kama.
_____Nagising nalang ako dahil sa lakas ng hanging pumapasok mula sa bintana ng kwarto ko. Nakalimutan ko atang isara.
Umupo ako sa kama at tinignan ang oras sa phone ko. 3 am palang pala 'e. Ang aga aga pa.
Tumayo ako sa kama kong papikit pikit para isara ang bintana ng biglang may nakita ako sa di kalayuang banda na batang babae. Batang babaeng kumakaway sakin habang may dala dalang manika.
Dahil sa kaba ko agad kong nasara ng di oras ang bintana at nag talukbong ng kumot.
Ilang minuto ang tinagal ko sa loob ng kumot ng may maramdaman ako. Paramg hinihila ang kumot na gamit ko.
"Sino kaba!?" Tanong ko na puno ng panginginig.
Bigla nalang nawala sakin ang kumot ko at napunta sa sahig. Pano? Pa-p-ano yon nangyare?
Niyakap ko ang tuhod ko. Nag sisimula nadin akong manginig dahil sa takot.
"Erica." Paulit ulit na sabe ng batang babae.
"Sino kaba!?" Tanong ko.
"Erica." Ulit na sabe niya.
"Magpakita ka sakin!" Sigaw ko sa kanya.
"Mag laro tayo Erica." Sabe niya. Ini angat ko ang ulo ko at napasigaw ako ng makita ko siyang may dalang kutsilyo't nakatutuk ito sakin.
"Wahhhhhh" sigaw ko ng itapon niya ang kutsilyo papunta sakin. Agad ko naman itong hinarangan ng unan para di ako masugatan pero....
Pero huli na ang lahat. Diretsong natusok ako sa aking mata. Sa kanang mata.
"Hehehehe." Mala demonyong tawa ng bata.
Nanlalabo ang paningin ko.
"Mag tago kana Erica. Makabilang ako ng sampu." Sabe niya at tinakpan niya ang mata niya.
Dahil sa takot na naramdaman ko agad agad akong bumaba sa kama ko at tumakbo palabas ng kwarto ko.
Kilangan kong mag tago. Kilangan kong mailigtas ang buhay ko. Kilangan kong kilangan kong maka layo.
Napadpad ako sa kusina kaya naisipan kong mag tago sa likod ng pinto.
Kinagat ko ang labi ko para pigilan sa pag hikbi.
"Sampu." Rinig kong sabe ng batang babae at biglang lumakas ang ihip ng hangin banda sakin kahit na wala naman talagang pasukan ng hangin dito mula sa labas.
"Erica. Nasan kana?"
Mas lalong kong siniksik ang sarili ko dito sa taguan ko.
"Huli ka. Hahahahahaa." Usal niya at pinag sasaksak ako sa tyan.
Bigla ko nalang siyang tinulak pero nawala siya sa isang iglap.
Tinakpan ko ng kamay ko ang sugat ko sa tyan. Nahihirapan nako mag lakad kaya mas natagalan ako sa pag takas.
Lumabas ako ng bahay at nag madaling sumakay ng kotse ko. Mas madali akong makakalayo sa bahay na'to.
"Erica." Sabe ng batang babae.
Tumingin ako sa salamin at nakita ko siyang kumakaway sakin.
Dahil sa ngiti niyang 'yon mas lalo akong kinabahan at binilisan kopa ang pag papatakbo.
"Layuan muna ako please." Paulit ulit na usal ko. Parang sirang plakang lagi kong sinasabe habang nag mamaneho.
"Erica." Ramdam ko. Ramdam ko ang presensya niya banda sa likod ko.
Nakatingin ako sa salamin at nakita ko siya. Naka ngiti sakin habang may hawak na kutsilyo.
Dahil sa taranta ko diko alam kong ano ang nagawa ko sa sasakyan at bigla nalang tumilapon.
"Erica." Pabulong pero nakakatakot na sabe niya ito na ang huling narinig ko bago ako mawalan ng buhay.
YOU ARE READING
A book of one shot stories
RandomLahat ng posted one shot stories ko sa aking pen account (Eon Wrex) ay tinipon ko rito. Enjoy reading : )