SOCIETY

15 0 0
                                    

SOCIETY


"Ganda ng rebond mo gurl kaso medyo curl dito banda. Kaya ang panget panget tignan." Rinig kong kumento ni Paula habang dinuduro duro ang buhok ni Vivian.

Pilit naman na ngumiti si Vivian at hindi na ininda ang  pangkukutya sa kanya ni Paula.

Yumuko ako sa mesa para magpahinga, puro nalang panghuhusga at pang dadown ang nakikita't naririnig ko.

Araw araw nalang, hay nako ang gulo talaga ng mundo.

Habang nasa kalagitnaan ako nang pagmumuni muni sari saring usapan ang naririnig ko.

"Ang puti puti ni Geraldine kaso may peklat na malaki sa binti, lakas pa ng loob mag short ng maikli. Hindi man lang nahiya."

"May pang bili ng gluta pero tawas wala, nakakadiri ka naman Michelle."

"Uy, si Joseph nakita ko sa kanto malapit samin nagtitinda ng bulaklak. Ang hirap hirap naman pala nila, sayang gwapo pa naman."

"Si Bea mali sagot sa number 5, feeling matalino kasi."

At mga sarisaring pangungutya. 

Nakakarindi na, kilan ba titigil ang mga tao sa ganitong style? Wala naman silang napapala kung ipagpapatuloy pa nila ang ganitong estilo.

Biglang tumahimik ang buong klase kaya inangat ko ang ulo ko, narito na pala ang teacher namin.

Inayos ko ang suot ko at ngumiti na tila hindi napapagod at nasasaktan sa mga matatalim at nandidiring tingin ng aking mga kaklase.

Nagsimulang magklase si ma'am, tulad ng gawain ng mabuting estudyante ganoon ang ginawa ko—nakinig at nag aral ng mabuti.

"Okay class what is society?" Tanong nito.

Tumingin ako sa paligid ko at halos lahat sila nakataas ang kamay, habang ako nag aalinlangang itaas din ang kamay.

Pero kahit hindi ako mag taas ng kamay pangalan ko ang binanggit ni ma'am upang sumagot.

Tumingin ako uli sa harap at nagaalinlangang sumagot.

"C'mon Nica, wag ka mahiya."

Kinuha ko ang chalk kay ma'am at nagsulat sa board.

Nong una nagtataka sila kung ano ang gagawin ko.

Marami akong naririnig na bulungan  keyso bida bida daw ako ganito ganiyan.

1+1=2
2+2=11
3+3=6
4+4=8
5+5=10

Ganiyan mismo ang aking isinulat at lahat sila nag react.

"Ang bobo hahahaha."

"Bida bida talaga hahaha."

"Tsk 2+2=11?"

"Patawa ka."

"Maliiii."

Pinatahimik ni maam ang buong klase at nag salita "Anong pinupunto mo dito?" Tanong nito sakin.

"Ito ang society kung saan kahit anong daming gawin mong tama puro kamalian mo ang makikita nila."

A book of one shot stories Where stories live. Discover now