PASENSYA
"Uy Travis! Long time no see." Usal ng isang lalaki kay Travis sabay akbay.
Nasa isa kaming bar, sinama ako ni Travis dito sabe kasi niya ipapakilala daw niya ako sa mga barkada niya dito sa Manila, kaya lumuwas kami galing Bicol para lang makilala ako ng mga barkada niya.
"Long time no see, Luke." Bating pabalik naman ni Travis, at siniko ang kamay kong hahawak sana sa kanya.
Dahil sa ginawa niyang yun, nanatili nalang akong naka distansya sa kanya.
"Uy! Tagay ka muna."
"Oo nga, tagal mong nawala. Upo muna brad!"
"Hi Travis."
"Dali na, wag ng KJ pre. Ngayon ngayon lang 'to e."
Samot saring imbeta kay Travis ng mga barkada niya.
Kaya ayun, umupo si Travis sa tabi ng babae tapos tumagay, ako? Nanatiling naka tayo dito habang pinag mamasdan si Travis.
Tumingin sakin yung kaninang kausap ni Travis na Luke ata ang pangalan sa pag kakatanda ko.
"Pre, jowa moba 'to?" Natatawang tanong nong Luke kay Travis habang naka turo sakin.
Di tumingin si Travis samin patuloy lang siya sa pag tagay bago sumagot.
"Hindi. Hahaha." At tumigil ang pag ikot ng mundo ko dahil sa sagot niya.
Napalunok nalang ako dahil don, lupa lamunin muna ako ngayon na.
"Eh ano naman brad?" Tanong naman ng isa sa mga kaibigan ni Travis na diko kilala.
"Wala lang. Hahaha." Sagot niyang di tumitingin at tumagay ulit.
Tumikhim ako bago nag salita.
"Wrong table ata 'tong napuntahan ko. Sorry." Usal ko sabay alis sa pwesto nila, narinig kopa tawanan nila.
Pinag halong inis, lungkot at galit ang nararamdaman ko ngayon. Padabog akong lumabas ng bar nato, at nong tuluyan nakong naka alis ay syaka bumuhos ang luha ko.
Bakit? Bakit Travis?
••
Nag patuloy lang ako sa pag iyak dito sa labas ng bar ng biglang may taong papalapit sakin. Si Travis.
"Dyan kalang." Mangiyak ngiyak na usal ko sa kanya.
"Sabe naman kasi sayo mag ayos ka." Walang emosyong usal niya.
Napayuko ako, diko inaasahan na ikakahiya niya ako dahil sa itsura ko.
"Pasensya kana kung di ako maganda. Pasensya na kung wala kang mapag mamalaki sa mga barkada mo. Pasensya na Travis kong ako lang si Sadako na panget at walang ka amor amor sa lahat ng yan. Pasensya na kong ako yung pinatos mo. Pasensya na kong ako yung girlfriend mo. Pasensya na. Pasensya." Pasigaw na usal ko sa kanya.
Tinignan ko siya gamit ang luhaan kong mga mata. Ni walang emosyon ang mukha niyang tumalikod sakin at nag umpisang mag lakad.
Siguro nga kaming mga panget at di kamahal mahal.
YOU ARE READING
A book of one shot stories
RandomLahat ng posted one shot stories ko sa aking pen account (Eon Wrex) ay tinipon ko rito. Enjoy reading : )