SAY SOMETHING IM GIVING UP ON YOU

16 1 0
                                    

SAY SOMETHING IM GIVING UP ON YOU


"Nakikita ko ang sarili ko sa bituin nayon sa kalangitan." Pabulong pero sakto lang para marinig ko ang sinabe ni Shiela.

I know what she means.

Napalunok nalang ako, alam ko naman na kahit anong gawin kong pagbibigay o pagpapakita ng pag-mamahal ko 'e, hindi niya padin ako kayang mahalin dahil hinding hindi ko mapapalitan ang pwesto ni Jeremy sa puso niya.

"Niño babe, ang ganda ng mga stars no?" Nakangiting tumingin sakin si Shiela sabay tingin sa kalangitan.

"Oo. Napaka ganda." Usal ko naman habang naka tingin sa kanya.

Minahal ko siya hindi dahil maganda siya, minahal ko siya hindi dahil sexy siya o mayaman siya. Minahal ko siya dahil kung sino siya. I love her damn much-------pero iba ang mahal niya at hindi ako 'yon, kundi si Jeremy.

"Ganito din ginagawa namin ni Jeremy noon, inaabot pa nga kaming ala una. Hahaha." Usal niya ulit, damn.

Ako ang kasama niya pero iba ang iniisip niya, parang ako ang boyfriend niya pero nasa ex niya padin ang puso niya.

Tumayo ako sa kinauupuan naming damu.

"Saan ka pupunta babe?" Shiela.

"Say something im giving up on you." Seryosong sabe ko, ganito naman pag true love diba? Kilangan mag sacrifice.

Napayuko siya at tila umiiyak.

"What do you mean?" Tanong niya sakin.

Please don't cry. Ayokong nakikitang umiiyak ang taong mahal ko.

"You are into Jeremy padin diba?" Tanong ko.

"Niñ-no." Nauutal sa saad niya.
"Im sorry, pero...kasi....ano... si Jeremy lang talaga 'e, mahal ko padin siya." Nakayuko padin niyang sabe.

Sabe na 'e, napangiti nalang ako sa sinabe niya.

Lagi akong tamang hinala.

All this time alam ko naman na sa relasyon namin ako lng may pake at ako lang nag mamahal.

Tumalikod ako sa kanya at nag simulang mag lakad, oo masakit pero sa taong mahal ko tatanggapin ko. Ganon pag mahal mo ang isang tao, kung saan siya masaya susuportahan mo, kahit masakit.

Tumingin ako sa huling pagkakataon kay Shiela, she's also looking at me with teary eyes.

I mouthed 'i love you' to her then i turned back.

Maybe this is goodbye. Diko alam kung bakit ang mga taong nasasaktan ay umaalis, siguro dahil masakit? Ewan, di naman masakit ang pag mamahal 'e, ang masakit yong malaman mong dika niya mahal.

Shiela. Hayst.

A book of one shot stories Where stories live. Discover now