TURON
"Be, ano yan?" Tanong ni Krizel sabay turo sa kinakain kong turon.
"Pagkain."
Akmang susubo na sana ako ng mag salita siya, "Gaga, hindi. Yang naka sulat sa supot ng turon mo."
Napataas ang kilay ko syaka tinignan ang pinupunto niya, "09123456789?"
"Number, be?" Tanong niya kaya tumango ako, "Kanino kaya?-----Teka, may load ako tawagan natin!" Excited na suggest niya.
"Wag na, baka pangit." Kumento ko nong tinitipa na niya ang telepono niya.
Kumunot naman ang noo ni Krizel dahil sa sinabe ko, "Arte mo. Dali na."
"Okay."
Kaya naman minadali niyang i-type ang number at tinawagan.
"Ay ayaw sagutin." Naka busangot na sabe ni Krizel.
Kinuha ko ang phone ko syaka tinext yong number ng, 'HOY HUMAN TURON.'
Mga ilang minuto ang lumipas ng mag reply siya ng, 'Tawag ako.'
Pagkabasa na pagkabasa ko ng text nyang yon agad na nag flash sa telepono ko ang number niya.
[Knock knock.] Joker ba ito?
"Who's there?" Sagot ko pero di siya sumagot kaya nag salita ako uli, "Sino ka?"
Wala ng nag salita sa kabilang linya kaya itinago ko na ang telepono ko.
"Yong future boyfriend mo." Napataas ang balahibo ko dahil sa nag salitang yon.
Itinaas ko ang tingin ko para tignan ang nag salita.
"Will you be my Ms. Turon in this world full of gutom?" Usal niya na halatang di pinag isipan ang sinasabe.
Napaka daming tao, Nakakahiya. Habulin pa naman siya dito sa campus. Lalo na pag uwian ang higpit kasi magpalabas.
Literal akong napasimangot at natampal ang noo, ang landi.
"MANONG GUARD, TAMA NAYANG LIGAW BUKSAN MO NALANG ANG GATE!"
YOU ARE READING
A book of one shot stories
RandomLahat ng posted one shot stories ko sa aking pen account (Eon Wrex) ay tinipon ko rito. Enjoy reading : )