PRANK
I made an account for my cousin dahil matagal na siyang naiintriga kung ano ba ang meron sa tinatawag na 'Role Play World'.
"Oh ito na acc mo," padabog ko kunwaring sabi sabay abot ng maliit na piraso ng papel which contain his facebook password and email.
Matapos niya itong abutin ay nagpasalamat siya kaya umuwi nako't marami pang gagawing assignments.
It's already 11 pm na syaka ko natapos ang lahat ng dapat gawin para sa school, minsan diko alam kong may dulot ba itong mga ito sa buhay namin lalo na sa math na puro numero—nakakahilo't nakakapanghina ng sobra.
'Oww, tatag nito ah. Gabi na online padin,' sabi ko sa isip ko sabay pindot ng conversation namin ng pinsan kong si Peter.
Nag type ako ng message para sa kanya at humaba pa ang usapan namin, nasabi din niyang gamit daw niya ang RP acc niya't wag na wag ko raw sasabihin kay Patricia na maharot siya sa RPW dahil malilintekan daw ako.
Nagpaalam nako sa kaniya na matutulog nako kaya natapos din ang usapan namin, minadali kong binuksan ang RP acc ko at sinearch ang role pay acc niya sa facebook.
Nag send ako ng friend request at wala pang limang segundo inaccept na nito agad sypre literal na malantod at haliparot ang pinsan ko kaya may isang message na agad siya sakin.
"Hi babyluvs?" natatawa kong usal habang binabasa ang message nito sakin syaka humagalpak ng tawa, hindi nga pala niya alam na ito ang rp acc ko.
'Yes babyluvs?' reply ko dito with heart emoji pa, masakyan nga trip niya.
Lumipas ang ilang oras at di namin namalayang alas tres na pala ng madaling araw at tulot tuloy padin kami sa kaharutan namin.
Tawa lang ang naiambag ko sa usapan namin at wala ng iba dahil sobrang daldal niya.
Dumaan ang maraming araw at tumambay dito si Peter para magpatulong sakin sa project niya.
Bahagya akong lumayo sa kaniya para di niya ako mahalata, 'Babyluvs send kang pic mo, para naman may pag nasahan ako.' napamura ako ng malutong dahil sa mensahe niyang 'to, manyak amputa!
"hoy bunganga mo, napaka bastos," Kumento ni Peter sa malutong kong mura kaya ang inis ko ay napalitan ng tawa.
Coming from him talaga ha.
Nistalk ko yong nerd pero cute na junior high sa school, di naman siguro siya makikilala ni Peter dahil magkaiba naman kami ng school.
Agad ko itong sinend sa kaniya pero di siya nag reply.
Napangitan ata.
"HOY BIANCA!" tawag nito sakin at dali daling pinakita sakin ang phone niya.
Tinignan ko ito at nagpipigil ako ng tawa dahil ito yong litratong sinend ko.
"Maganda siya diba? Ang cute niya," Usal niya at tinitigan ang picture na ito ng nerd.
Tumango nalang ako at nagpatuloy sa ginagawa ko habang palihim na tumatawa.
'Ang cute mo naman.' late reply niya sakin kaya nag reply naman akk agad ng, 'Send ka din.'
Nag tanong pa sakin si Peter kung mag isesend ba siya ng picture niya kaya sabi ko oo, wala pang limang minuto ay nag chat uli siya.
Yong profile picture niya sa real acc niya ang sinend niya kaya naman napatawa ako ng sobra.
hineart react ko ito syaka sinabeng ang gwapo gwapo niya todo thank you naman ang loko.
Ilang linggo ang nakalipas at ganon padin ang naging takbo ng sitwasyon namin at ni isa ay wala siyang alam.
Lahat ay pineke ko hanggang sa, 'Sabihin mona kasi RA mo gawin na natin tong legal.' ang sabi niya.
'Eh kasi diba may jowa kana sa personal? Kilala na kita.' reply ko with sad emoji.
'ha? Pano mo ko nakilala?' huling chat niya at sineen ko lang.
Ayoko naman kasing sirain ang relasyon nila ni Patricia, mukhang seryoso si Peter eh hahaha first anniversary pa naman nila ngayon.
Nakatanggap ako ng text galing kay Peter, 'Kilala niya ako, pano yon nangyari!?'
Nag reply ako ng hindi ko alam at bahala na siya dyan hahaha.
Natatawa nga ako sa estilo niya dahil baka daw ito pa dahilan ng pag bi break nila ni Patricia.
Kaya naman tinanong ko kung nasan sila at dali-dali akong sumunod sa restaurant na kinalalagyan nila.
"Peterrr Patriciaaa." Hinihingal kong tawag sa kanila sabay inom ng tubig na nasa ibabaw ng table nila dito, "Picture tayo." Sabi ko't nag group picture kami.
Agad ko namang inopen ang RP acc ko at chinat si Peter dahil online siya, 'May mga kasama ako babyluvs.'
Nag reply naman siya ng, 'Sino? Send pic.'
Kaya naman natatawa akong sinend ang picture namin na kakakuha lang.
Agad akong tumingin kay Peter kaya naman pinalo niya ako sa ulo gamit ang libro ni Patricia.
"Tangina ka!"
"babyluvs pa sige!" Patawa tawa ko pang asar at nag madaling umalis habang kumakaway p sa kanila.
YOU ARE READING
A book of one shot stories
RandomLahat ng posted one shot stories ko sa aking pen account (Eon Wrex) ay tinipon ko rito. Enjoy reading : )