ANG KUWENTO NG AKING BUHAY
"Okay class, gumawa kayo ng isang essay kung saan ang pamagat ay 'Ang kuwento ng aking buhay'." Sabi ni ma'am habang nag aayos ng mga gamit niya sa harap.
Itinaas ko yong kamay ko para mag tanong, na agad namang pinansin ni ma'am.
"Yes Ashley ano yon?"
"Seryoso po ba kayo sa pinapagawa nyo?" Tanong ko habang di magawang tumingin sa mga mata ni ma'am.
Tumango siya bilang sagot.
Kanina pa sana ako naka uwi kung hindi lang nasayang oras ko sa pag mumuni muni at pag iisip kung pano ko ba sisimulan o gagawin ang essay na tinutukoy ng aming guro.
Pabagsak kong inihiga ang katawan ko sa kama ko, pano nga ba?
Wala naman akong problema sa pag susulat at pagbuo ng magandang konsepto ng aking essay, pero pag tungkol sa pamilya nabablangko ako.
"HOY ASHLEY, MAG HUGAS KA NG PLATO SA KUSINA!" Sigaw ng aking stepmother syaka kalabog sa pinto ng kwarto ko.
Pumikit ako at huminga ng malalim, "Andyan na po." Bilib ako sa sarili ko, pano ko naaatim na maka sama sa iisang bahay ang bruhang yon?
Pagka bukas na pagka bukas ko ng pinto, mga uhaw na nag hahalikan ang bumungad saking harapan.
Napairap nalang ako, si Papa hinahalikan ng marahas ang nobya nya habang naka hawak sa kung saang parte ng katawan ni auntie Helda.
Nag patuloy ako sa pagbaba papuntang kusina habang di maialis sa isipan ko ang itsura nila, sa araw araw na nakikita ko sakanilang dalawa nandidiri ako. Dahil minsan nakikita kopa silang nag tatalik kung saan saang bahagi ng bahay.
Nabalik nalang ako sa ulirat ko galing sa pag mumuni muni ng may mabasag akong baso.
"Hoy Ashley anong katangahan nanaman ba------ LINTEK KANG BATA KA! ANG MAHAL MAHAL NG TASANG YAN TAPOS BABASAGIN MO LANG." nakaramdam ako ng kaba sa loob loob ko ng ayan ang marinig ko mula kay auntie.
Nakita ko siyang bumitiw sa pag hahalikan nila ni papa at dali daling bumaba para pingutan ang tenga ko.
"Auntie, tama na. Nasasaktan po ako." Pag mamakaawa ko, hindi pa kasi totally magaling ang tenga ko galing sa pag pingot niya kahapon.
Sinabunutan niya ako at inilublub ako sa pinag huhugasan ko, "SUMASAGOT SAGOT KANA NGAYONG BATA KA! ALAM MO BANG MAS MAHAL PA IYON SA BUHAY MO!?"
Ilang segundo lang ang itinagal kong naka babad sa pinag huhugasan ko ng mga plato syaka din niya ako binitawan, pero hindi pa dyan nag tatapos ang pagpapahirap niya sakin.
Alam kong hindi pa, dahil lagi namang may kasunod.
Kinuha niya ang basag na tasa niya at itinutok sa mukha ko at dahan dahan niyang idiniin, kaya napasigaw ako ng makaramdam ako ng hapdi.
"Tama na po!" Pag mamakaawa ko, pero tila siya demonyong walang sinasanto.
Binitawan na niya ang hawak niyang tasa kaya napahawak ako sa pisnge kong puno ng dugo.
Tinignan ako ng masama ni auntie syaka umakyat paakyat, naka tingin lang samin si papa na walang emosyong mababatid sa pag mumukha niya. Pano niya naatim na panuorin lang ang anak niya habang minumulisya ng kanyang kasintahan?
Mabilis kong tinapos ang pag huhugas ng pinggan at dali daling umupo sa upuan ng aking study table.
Inilabas ko ang coupon ko at ballpen, hindi ko alam kung bakit kusa nalang ang mga kamay kong nag tala ng kuwento ng aking buhay.
Panahon na para mag salita.
Kinabukasan sa oras ng aming filipino nag taas ako agad ng aking mga kamay upang mauna sa pagbasa ng aking essay.
Hindi pa palang ako nag uumpisa ay naiiyak na ako, binati ko muna ng magandang umaga ang aking mga kaklase pati narin si ma'am.
Tumikhim ako bilang pag ayos sa aking boses, "Ito ang kwento ng magusot kong buhay." Paninimula ko, "Isinilang ako sa mundong 'to ng aking ina, hanggang kinalaunan iniwan din niya ako. Nong akoy nasa edad otso nagkaroon ng kasintahan si papa at inuwi na niya ito sa bahay. Ang mga naunang buwan na kasama namin ang stepmother ko iyon ay masasabi kong maayos. Pero habang tumatagal lumalabas na ang totoo niyang kulay." Nag simula ng tumulo ang luha ko.
Nag punas ako ng aking panyo syaka pinag patuloy ang pag tatala, "Ang aking simple at tahimik na buhay ay naging magusot puno ng gulo. Mga bagay na diko dapat makita sa murang edad ko ay nakita ko na. Araw araw aking minumulisya ng aking inahin." Sabe ko at mas lalo akong umiyak.
Narinig ko rin ang tangis ng aking guro at mga kaklase.
Pinagpatuloy ko ang kwento ng aking buhay, binasa ko 'to hanggang huli.
"At ito ang kuwento ng aking mapait at magusot na buhay." Huling usal ko at nag bow.
Nag taas ng kamay ang isa sa mga kaklase ko na agad namang sinipat ni ma'am.
"Ano yon, Candy?" Tanong ni ma'am.
Tumikhim siya, "May tanong ako para kay Ashley. Nakilala mo ba o kilala mo ba ang mama mo?" Tanong niya.
Napangiti ako ng mapait habang nag pupunas ng aking luha.
"Oo, si Flerida Agustin."
Kita ang pagkagulat sa mukha ng aking mga kaklase.
Hanggang sa may bumulong.
"Si teacher yon diba?"
Mapait akong tumango.
YOU ARE READING
A book of one shot stories
RandomLahat ng posted one shot stories ko sa aking pen account (Eon Wrex) ay tinipon ko rito. Enjoy reading : )