THE ART OF LOVE
Sabi nila kapag nag mahal ka kasunod niyan ang sakit. Noong una, hindi ako naniniwala sa mga sabi sabing tulad nito. Never kasi akong sinaktan ni Vince, kahit katiting na sakit. Puro at pinong pagmamahal lang ang nadama ko sa piling niya—habang nasa bisig ng pagmamahal niya.
But everything changed. My perspective, our relationship, feelings, lalo na si Vince lahat nag bago. Sobrang laking pagbabago.
Everyday is getting worst. Nasasaktan na namin ang isa't isa, masasakal na sya sa'kin at.... nakahanap na siya ng iba.
"Im sorry Ceelen, I can't take this anymore. Mahal kita pero sobra na, nakakasawa't nakakapagod. Ayoko na." Giit nya habang nakayuko.
Nakaramdam ako ng sakit, pambihirang sakit. Sakit na ngayon ko lang nadama.
Lumapit ako sa kanya at lumuhod, wala akong paki alam kung mag mukha akong tanga sa harap niya. "Vince, mahal kita. Wag—"
"Ayan! Pagmamahal mong nakakasakal na, tama na Ceelen please. May mahal nakong iba." Parang milyon milyong tinik ang bumabaon sa puso ko, ang sakit sobrang sakit.
I experienced many surgery and operation before, masakit lahat ng 'yon pero mas masakit ngayon. Mas gugustuhin ko pang tiisin 'yong tahi ng doktor sa tyan ko noon keysa sa sakit na dinadala ko ngayon.
No dictionary can give the definition of this pain. Isa lang ang malinaw, sobrang sakit tagos hanggang kaluluwa.
Sinubukan niyang patayuhin ako, mahirap daw sa kanya 'to lalo na't may pinagsamahan kami. Ayaw niya akong nakikitang nasasaktan at nagmamakaawa sa tulad niyang hindi ako deserve.
Pero bakit niya ako sinasaktan!?
Gusto ko siyang pigilan. Gusto ko siyang tanungin kung bakit, kung paano nalang ako. Kung wala naba talaga? Pero huli na ang lahat, iniwan na niya ako ditong luhaan.
Para ngang timang eh, patuloy sa pag tulo ang mga luha ko habang naka ngiti ako. Diko tinanggal ang paningin ko sa kanya hanggang sa mawala siya—sila. Sila ng taong mahal niya, ng taong nagpapasaya sa kanya.
Madaming tanong ang gustong kumawala sa utak ko, tulad nalang ng tanong na bakit parang ang dali lang sa kanya lahat na ibasura ang sampung taong pagsasama namin.
May mga memoryang bumabalik sa aking utak sa mga pagkakataong ganito kaya minabuti kong punasan ang mga mala tubig sa gripo na luha dahil walang hupay sa pag buhos.
Kasabay ng pag hampas ng masasakit na salita na binitawan ni Vince ay syang pag balik ng eksena namin noon sa eskwelahan.
"Hanggang saan ang kaya mong gawin para sa taong minamahal mo?" Tanong ni sir matapos naming matalakay ang 'Romeo and Juliet'.
Nagpaikot ikot ang mata nito saming lahat hanggang sa tinuro niya ako gamit ang hintuturo nito.
Tumayo ako, "E di papatayin ko lahat ng kokontra samin, sir. Basic!" Malokong sagot ko, hindi naman kasi ako tipo ng estudyante na matalino. Kaya minsan o sabihin na nating madalas ay puro palakol o patapon ang mga sinasagot ko sa kanila.
Lahat sila nag tawanan at napaka brutal ko daw, sunod naman na tinawag ni sir si Vince.
"Ipaglalaban ko 'yong taong 'yon. Ganon kasi ang pag mamahal, kahit anong gusot o hadlang sa pagmamahalan niyo hindi mo siya bibitawan kahit tadhana na ang kalaban. I'm willing to sacrifice everything para sa taong mahal ko." Mahabang sagot ni Vince kaya halos lahat ay napa 'wow', ang swerte naman ng mamahalin nito.
Napatawa ako ng mapakla, hindi ko alam kung bakit ako natatawa habang nagmumukha akong kawawa sa sitwasyon kong 'to.
Siguro dahil ang dami naming alam at... we're too weak.
"Sabi mo mahal moko. Sabi mo willing kang isacrifice lahat. Sabi mo ipag lalaban mo 'yong taong mahal mo, pero bakit nasa ganitong sitwasyon tayo? Ako?" Pabulong kong tanong sa hangin syaka tumayo, hindi ko alam kung ilan bang mga tao ang pinag titinginan at pinag chichismisan ako.
Sa bawat pag hakbang ko ay siyang pag pasok sa utak ko ng mga pangako niya habang akin pa siya.
Sabi pa niya, wag ko raw siya iwan at iiyak siya. Hindi ko siya iniwan pero siya pala 'tong mang iiwan at ako naman 'tong iiyak.
Ang sakit kasi eh. Sobra.
Tulad ng sagot ko sa teacher namin noon nong tinanong niya ako kung hanggang saan ang kaya kong gawin para sa taong mahal ko—gusto ko siyang patayin. I wan't to cut her head, gusto ko siyang gulpihin. I wan't her out, I wan't Vince back. Pero hindi ko kaya, puro lang ako salita. Hindi ko kayang gawin kasi mahal ko si Vince. Hindi ko kayang gawin kasi mabuti akong tao, hindi ko kayang gawin kasi sa kanya sasaya 'yong kaligayahan ko.
All this time, akala ko lahat ng sinasabi natin sa nakaraan kaya nating panindigan at gawin sa hinaharap o kasalukuyan, pero mali pala. Mahal nga niya ako pero hindi niya kayang isakripisyo at ipaglaban ako.
Napatawa ako ng mahina, may pumasok kasi bigla sa isip ko. Sino ba naman kasing tangang magtitiis sa ugaling meron ako? Kaya nga siya nag hanap ng iba kasi nasakal na siya. Hindi talaga batayan ang pangako, pagsasama at pag mamahal para dika iwan ng tao mong mahal. Sampung taon kami pero parang wala lang sa kanya.
Napailing ako, once na nag sawa yan hahanap at hahanap yan ng iba. Walang permanente sa mundo, lahat nag sasawa at nag iiba.
YOU ARE READING
A book of one shot stories
De TodoLahat ng posted one shot stories ko sa aking pen account (Eon Wrex) ay tinipon ko rito. Enjoy reading : )