Chapter 6
Nang matapos kaming kumain ay nanatili muna kami sa bahay saglit.
"Kumusta naman ang business niyo, Mark?" Tanong ni daddy. Nandito kami ngayon sa sala at nagpapahinga saglit bago kami umalis.
"Okay naman po, tito. We'll have our branch here soon. I heard you're also having yours here." Aniya. Hindi ako nagsasalita at nakikinig lamang ako dahil wala pa naman akong alam sa business na 'yan. Although, I should be the one who's managing our business now, but I'm still pursuing my dream to be a lawyer.
"Yes. How's your parents?" Tanong ni daddy.
"Okay naman po sila." Sagot niya.
"We should have a dinner together. I'll set the date and I'll just inform you. Madami-dami tayong pag-uusapan." Ani dad kaya napatingin ako sa kaniya. He also looked at me.
"Yes, tito. I'll them." Sabi naman ni Mark.
"Dad, we'll go now para hindi kami gabihin masyado." Sabi ko. Tumango siya. I want to go now, baka kung ano pa ang sabihin ni daddy.
"Sige, tito. Alis na po kami." Paalam ni Mark.
"Mag-ingat kayo." Iyon lang ang sinabi ni dad. Tumango kami pareho ni Mark.
Nang nasa sasakyan kami ay naging tahimik kaming dalawa. I don't know how to start the conversation. Ngayon lang ata kami naging tahimik na dalawa, madalas kapag magkasama kami ay walang katapusang kwentuhan ang ginagawa namin.
Tinitignan ko lang ang mga dinadaanan namin samantalang siya ay nakatingin lang sa harap. Nanatili kaming tahimik ng ilang minuto bago siya magsalita.
"Ayos ba ang tulog mo kagabi?" Tanong niya. Finally, the atmosphere became lighter.
"Yes. How about you? Antok na antok ka na noong kausap mo ako and you still deny it." Sabi ko at natawa. Natawa na lang din siya. Totoo naman kasi, rinig na rinig sa boses niya na inaantok na siya pero ang kulit niya pa din at pinipilit na hindi pa siya inaantok.
"I just want to talk to you longer." Sagot niya. Napangiti ako.
"Parang tanga 'to, madami pa namang pagkakataon para makapag-usap tayo ng mas matagal." Sabi ko naman.
"Bakit ba? I want to talk to you every second if possible." Sabi niya. Umiling-iling ako.
Ilang taon ding kaming hindi nakapag-usap talaga. I keep on calling him and I keep on sending him messages pero hindi niya sinasagot. Until I gave up. Noong unang beses kaming nag-kita, iyon ang unang beses na nakapag-usap ulit kami.
Masaya ako kasi kahit na ang tagal naming hindi nag-usap, the way we talked before, ganon pa din kami.
"Dami mong alam, Mark." Iyan na lang ang nasabi ko. Sumulyap siya sa akin.
"Wait. Are you blushing?" Tanong niya at inasar-asar niya ako.
"I'm not. Why would I?" Sabi ko naman.
"Just admit it, Ja. Are you finally falling in love with me?" Tanong niya. Natigilan ako sa sinabi niya. Of course, I'm not. I should not.
He's my best friend and I am in a relationship with someone else.
"Just kidding. Ang sarap mong asarin, Ja." Aniya. Tumawa na lang ako. I tried not to make the atmosphere awkward. Tumingin muli ako sa mga dinadaanan namin.
"Bakit sa Tagaytay mo naisip na pumunta?" Tanong ko. Ang dami naman naming pwedeng puntahan sa Manila, pero bakit doon pa?
"Secret." Aniya.
BINABASA MO ANG
If We Never Met [Alfaro Series #1]
Romance[Alfaro Series #1] Janine Adalee, a future lawyer who already planned the future with his long-time boyfriend, Ralphael Easton. Pero biglang nagbago ang lahat. Their relationship was unbreakable, not until the ex-girlfriend, Maria, and the childhood...
![If We Never Met [Alfaro Series #1]](https://img.wattpad.com/cover/217665536-64-k632489.jpg)