CHAPTER 7

134 6 2
                                    

Chapter 7

Pagkababa namin sa ferris wheel ay naging tahimik kaming dalawa. Mas okay na 'yung ganito, hindi ko rin naman alam kung ano'ng sasabihin ko. Naglakad na siya kaya sinundan ko lamang siya.

Nang makarating kami sa kaniyang sasakyan ay pinagbuksan niya ako ng pinto. Pumasok ako doon at hinintay na pumasok siya sa sasakyan.

I sighed. Hindi ko alam kung paano ako magre-react sa sinabi niya. But one thing's for sure, my heart's beating so fast...

Pagkapasok niya ay naramdaman ko agad ang awkwardness sa pagitan naming dalawa. Pinaandar na niya ang sasakyan at umalis na kami doon.

Nakatingin lamang ako sa dinadaanan namin habang yakap-yakap ko ang binigay niya sa akin na stuffed toy na nakuha niya kanina. Naalala ko na naman ang nangyari kanina.

What am I doing? Why didn't I stop him? Alam kong hindi tama 'yon pero hindi ko siya pinigilan.

Gusto ko din ba 'yon?

Pero... Fuck. Hindi pwede. Hindi 'yon tama.

Dahil sa katahimikan naming dalawa ay nakatulog ako. Nagising na lamang ako nang narinig kong tinanggal ni Mark ang seatbelt ko.

"We're here." Aniya. Lumabas kami pareho ng sasakyan. I should act normal. With what I'm doing, I'm just making it worse.

"Pasok ka muna. Let's have dinner first before you go." Sabi ko sa kaniya. Hindi pa kami kumakain pareho kaya siguradong gutom na siya.

"It's okay. Sa bahay na lang ako kakain." Sabi niya.

"No. Mark, tara na." Sabi ko. Sigurado din naman ako na hahanapin siya nina mommy sa akin kapag wala siya kaya mas mabuting dito na lang siya kumain.

"Ja, okay lang talaga." Sabi naman niya.

I sighed, "Will you please stop making it awkward for the both of us? Hindi naman ako lalayo. Hindi ako iiwas. Let's just you know... manatili tayo kung paano tayo ngayon." I want to us to remain like this. Ayokong lumayo ako at ayokong lumayo siya.

Unti-unti siyang napangiti dahil sa sinabi ko. I waited for his response, but I got nothing kaya hindi ko na siya hinintay pang mag-salita. Pumasok ako sa gate namin. Naramdaman ko naman ang pag-sunod niya sa akin at bago pa man kami makapasok sa loob ng bahay ay hinawakan niya ang braso ko at hinila ako pabalik sa kaniya.

"What are you doing?" Tanong ko nang niyakap niya ako.

"I'm sorry. I'm sorry for making you feel uncomfortable. I just feel that it's the right time to tell you that. To be honest, I'm afraid that I might lose you because of that. But hearing those words from you, it gave me hope. Gaya ng sabi ko, no pressure. Take the time you need." I can feel his sincerity in his voice. Kumawala siya sa yakao at tinignan ako nang mabuti.

"Huwag kang lalayo, ha? Baka kasi hindi ko kayanin... Hindi ko kaya. Okay?" Tumango ako pero agad na nag-iwas ng tingin. Ano ba 'tong ginagawa ko? Hindi ba dapat sinasabi ko na sa kaniya na hindi na pwede? But I just can't find the right words to tell him and something's stopping me.

Also, I need to fix everything first and I will tell Ralph. And then, I will tell Mark.

That was the plan.

"Let's go." Sabi ko at tuluyan nang pumasok sa babay.

"Dad, mom, we're home." Sabi ko. Napatingin naman sila sa amin.

"Kumain na ba kayo? We're about to eat." Tanong ni mommy. Sa tingin ko ay halos kakauwi lang din nila galing sa trabaho.

"Not yet po. Gutom na nga kami." Sabi ko at tumawa. I'm trying to make the atmosphere lighter.

If We Never Met [Alfaro Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon