Chapter 18
He left after that. Without saying anything, he left.
I stayed in his room. Hindi ako umalis. I want to wait for him to come back. Naiintindihan ko kung bakit siya umalis. He needs to think, he needs to breathe. Kasi ganon din ako noon, kailangan kong mag-isip para sa aming dalawa. And I hope, after that, sana alam niya kung saan siya dapat bumalik.
Sa akin.
Sa akin dapat siya babalik.
Noong tanghali na, doon lamang siya bumalik. Hindi na siya nagulat nang makita ako dito sa kwarto niya.
Agad akong tumayo. Lalapit sana ako sa kaniya pero nauna na siyang naglakad palapit sa akin. Nagulat ako nang hilain niya ako sa kaniya. He wrapped his arms around me.
"Fuck. I don't know what to do anymore..." He whispered. Ramdam ko ang pagod sa kaniyang boses.
"Fuck everything. Let me be selfish for now." Mahina niyang sabi. Halos hindi ko na ngayon iyon marinig.
"What happened?" I asked but he shook his head.
"I'm sorry for leaving earlier." Aniya.
"It's okay. I understand."
We stayed like that for another minute. Walang nag-salita hanggang sa pinakawalan na niya ako sa yakap. He looked me.
"Let's start studying. Kailangan mong pumasa. Ayokong masayang ang apat na taong paghihirap mo." Aniya at hinawakan ang kamay ko.
"Saan mo gustong mag-aral?" Tanong niya. I checked my phone. Maaga pa naman.
"Sa bahay niyo na lang? O sa coffee shop?" He asked again. He really wants me to study now. Marami pa namang oras para d'yan. I just want to be with him right now.
"Let's have a date." Sabi ko.
"No. Mag-aaral ka. Mag-aaral tayo. Akala mo ba hindi ko alam na mababa ang mga nakukuha mo sa quiz mo? Pati recit mo, hindi ka makasagot ng maayos. This is not the time to fail, Jaja. Ga-graduate ka na. Umayos ka." Aniya. I was surprised when he said that. Maybe he knows that because of Ashley. Akala ko ay wala ng pakialam si Ralph sa akin.
"I know. Babawi naman ako. Just this once, please? Pagbigyan mo na ako. I missed having a date with you. Puro kasi tayo away." Pagpupumilit ko. He sighed. Napangiti ako, alam kong pag-bibigyan niya ako.
"Okay. Pero ngayon lang. After this, mag-aaral tayo." Sabi niya at tumango ako. I know that we really need to study now because of the finals. I am also aware of how bad my performance in school is. But I just want to spend the rest of the day with Ralph.
Pumunta muna kami sa bahay para makapagbihis ako.
"Ralph, wait for me here. Mabilis lang ako, promise." Sabi ko nang makarating kami sa bahay. I don't know if my parents are here.
Umakyat ako sa aking kwarto at pinaghintay siya sa sala. Gaya ng sabi ko, mabilis lang akong naligo at nag-ayos. Ayaw ko siyang paghintayin sa baba and I'm really excited for this day. Ngayon na lamang ulit namin iyon magagawa.
Pagkalabas ko ang aking kwarto ay nakita ko si mommy at daddy na kakaakyat lang.
"Hindi ka umuwi kagabi." Panimula ni mommy. Dad went straight to their room, hindi man lang niya ako kinausap. I guess, it's better that way.
"Yes, mom. I was with Ralph." Sabi ko na lang kahit alam ko na alam na niya iyon.
"What are you doing!?" Mahina pero galit niyang tanong.
"What? Mom, kasama ko ang boyfriend ko. Wala namang masama doon." Sagot ko. Totoo naman, wala namang masama kung kasama ko ang boyfriend ko.
"Boyfriend? Janine, hindi pa ba malinaw sa'yo ang lahat? You're getting married to Mark and you were with Ralph last night?" Napapikit ako dahil sa frustration. Bakit hindi nila maintindihan na ayaw kong ikasal sa iba? I'm so tired of this.
BINABASA MO ANG
If We Never Met [Alfaro Series #1]
Romansa[Alfaro Series #1] Janine Adalee, a future lawyer who already planned the future with his long-time boyfriend, Ralphael Easton. Pero biglang nagbago ang lahat. Their relationship was unbreakable, not until the ex-girlfriend, Maria, and the childhood...