Chapter 25
At first, I thought we will just spend two weeks in Florida pero nag-extend kami nang nag-extend hanggang sa umabot kami ng mahigit isang taon doon. It was not my idea to extend our stay there, it was Mark's. Parati ko ngang sinasabi sa kaniya na umuwi na siya at iwan na lang ako doon pero hindi siya nakikinig.
Although, nakakatulong naman siya sa business nila kahit na nasa Florida kami. He's the one who's managing their business in Florida na dapat ay si Tito ang gumagawa. Dapat ay nasa Pilipinas si Mark at si Tito sa Florida.
He stayed with me. Hindi ko maitatanggi na ang pananatili namin sa Florida ang dahilan kung bakit ako okay na ngayon.
Malapit na ang BAR exam, I didn't take the exam last year dahil alam kong hindi ko rin kaya, I'm still broken that time. I know that I couldn't focus. So, I need to put extra effort in reviewing, kaya habang nasa Florida ako ay nagbabasa ako doon.
And finally, ngayon na ang uwi namin ni Mark sa Pilipinas. Balak pa sana niyang mag-stay sa Florida pero buti na lang at napilit ko siyang umuwi. Nami-miss ko na din ang mga kaibigan at pamilya ko.
"We're here, finally!" Masayang sabi ko nang nasa labas na kami ng airport, hinihintay na lang namin ang sundo namin. Halos hindi na ako sanay sa init dito, pero kahit na ganon, masaya pa din akong makabalik.
"After your exam, let's just go back to Florida." Sabi ni Mark sa tabi ko.
"Why? Ayaw mo bang mag-stay dito?" Tanong ko naman.
"It's not that I don't want to stay here. Mas gusto ko lang doon. And I can just manage our business in Florida." Sagot niya.
"Paano kapag mas gusto ko dito? Iiwan mo ako?" He looked at me.
"Hell no! Kung gusto mo dito, then we'll stay here." Sabi naman niya kaya napangiti ako.
"Talaga?"
"Yes. Ikaw ang masusunod, boss." Sabi niya at tumawa. I pinched his cheeks.
"You're so cute." I said. I find him cute when he's laughing. Nakakahawa ang tawa niya kaya matatawa ka na lang din talaga. He rolled his eyes. Hay nako, hindi ko takaga maintindihan si Mark minsan.
While we're on our way home, I received a text message from Ashley.
From: Ashley
Heard that you're coming back. How are you? I miss you!
I miss her too. Huli kaming nagkita ay noong graduation pa ata. Tapos hindi din naman ako sumama sa out of town nila noon kaya matagal na kaming hindi nagkita sa personal. We had a video chat when I was in Florida, but we don't talk that long. Iba pa din talaga kapag personal.
I replied.
To: Ashley
Yes, kararating lang namin, actually. I missed you too.
"What?" Tanong ko kay Mark nang mapatingin ako sa kaniya, tinititigan niya lang kasi ako at nakakunot ang noo.
"Sino ka-text mo?" Tanong niya naman.
"Secret." He frowned. Lagi siyang ganito kapag nakikita niya akong nakatutok sa cellphone ko.
"Tss. Pangiti-ngiti ka pa d'yan." Tinawanan ko na lang siya dahil sa reaksyon niya. Binalik ko naman ang atensyon ko sa cellphone ko ngunit nag-salita na naman siya.
"Jaja!" Aniya.
"Ano?" He pointed at my phone.
"It's John." Sabi ko kaya tinignan niya ako nang masama.
BINABASA MO ANG
If We Never Met [Alfaro Series #1]
Romance[Alfaro Series #1] Janine Adalee, a future lawyer who already planned the future with his long-time boyfriend, Ralphael Easton. Pero biglang nagbago ang lahat. Their relationship was unbreakable, not until the ex-girlfriend, Maria, and the childhood...