CHAPTER 19

146 6 0
                                    

Chapter 19

Agad akong pumunta sa building kung saan sina Ralph. Pagkarating ko doon ay madami ng tao sa labas, malamang ay tapos na ang halos lahay sa exam. Some are crying dahil siguro nahirapan sila but some are just happy that exam is finally done.

Hintayan na lang ng resulta ang gagawin. This 4-year journey in law school is no joke. Sobrang nakakapagod at nakakapanghina kapag nakita mo ang scores mo na hindi umabot sa expected grade mo but you can't do anything but to move on. Ganon naman lagi. Babawi na lamang sa susunod.

Agad kong natanaw si Ralph nang lumabas siya sa kanilang classroom. He looked fine. Mukhang wala lang sa kaniya ang exam. Well, as I've said, he's very smart. Sobrang talino niya minsan nakaka-amaze kasi hindi mo alam kung saan niya nakukuha ang mga sinasabi niya.

"Jaja!" Tawag ni Joseph. Ngumiti ako sa kaniya.

"Hi." Bati ko nang makalapit sila sa akin.

Sabay-sabay kaming umalis doon ay nagpunta sa canteen. We went to our usual spot, nandoon na si Anthony, James at Ashley. Kami na lang pala ang kulang. Hindi ko na kasi nahintay si Ashley kanina dahil balak ko talagang puntahan si Ralph.

"Kumusta ang exam?" Tanong ko sa kanilang lahat.

"Ang hirap." Sagot ni Anthony. Sumang-ayon naman si James sa kaniya.

"Okay lang. Medyo nahirapan lang ako sa isang item." Sagot naman ni Ashley. Lahat sila ay napatingin kay Ashley.

"Sa isang item lang?" Hindi makapaniwalang tanong ni James. Ashley is smart too, pareho sila ng pinsan niyang si Ralph. Well, they are from the Fajardo family, it's expected that they are really smart. But I know the boys, matatalino din sila. Hindi lang halata dahil mukha silang hindi seryoso sa pag-aaral.

Tumango lamang si Ashley sa kanila.

"Sana all." Ani James. Nagtawanan ang lahat.

Napag-usapan namin na mag-dinner na magkakasama. This is new. Ngayon lang kami magsasama-sama sa dinner kaya pumayag kaming lahat kahit na pagod kaming lahat.

Ang mga lalaki ang namili kung saan kami kakain.

We ordered then we talked about stuffs.

"Buti hindi niyo naisipang magparty ngayon?" Tanong ni Ashley. Usually kasi, diretso party ang boys maliban kay Ralph.

"We want to spend some time with our girls. Ga-graduate na tayo, baka maging busy tayong lahat." Sabi naman ni Anthony.

"Right. We'll miss you." Sabi naman ni Joseph.

"Oh, really, Joseph? Baka naman isa lang ang mamiss mo." Pang-aasar ni James sa kaniya. Nagpatuloy sila sa asaran kaya natawa na lang din ako.

Napansin ko naman na tahimik si Ralph sa tabi ko.

"Are you okay?" I asked him.

"Yeah." Simpleng sagot niya. Nasasanay na din ako sa kaniya na ganyan siya.

"Anong plano niyo after graduation?" Tanong bigla ni Ashley.

"Review for board exam, of course. Then, travel after?" Sagot ni James. Akalain mo nga namang nagseryoso siyang sumagot.

"Same with him." Sagot naman ni Anthony.

Those two, mga maloko sila pero may plano sila sa buhay nila. Iyon ang maganda sa kanila.

"Review for board exam. Then, I'll find a job right after I passed." Sagot naman ni Joseph. Sa barkada, si Joseph ang pinakamasipag sa lahat. Siya iyong hindi nag-aaksaya ng oras. Siya iyong naka-focus talaga sa goal na makapagtapos.

If We Never Met [Alfaro Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon